Sign up to save your podcasts
Or

Mabuting Balita l Nobyembre 4, 2022 – Biyernes | Ika-31 na Linggo sa Karaniwang Panahon
#MabutingBalita #DaughtersOfStPaulPhilippines #PaulinesPH
Ebanghelyo: Lucas 16:1-8
Sinasabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: “May katiwala ang isang mayaman, at isinumbong sa kanya na nilulustay ng katiwala ang kanyang kayamanan. Ipinatawag niya ito at sinabi sa kanya: ‘Ano itong naririnig ko tungkol sa iyo? Magsulit ka sa akin ng iyong pangangasiwa dahil hindi ka na makapangangasiwa.’ At inisip ng katiwala: ‘Tatanggalin ako ngayon sa pangangasiwa ng aking panginoon. Ano ang gagawin ko? Kulang ako ng lakas para magbungkal ng lupa, nahihiya naman akong magpalimos. Ah, alam ko na ang gagawin ko. At pagkatanggal sa akin sa pangangasiwa, may mga magpapatuloy sa akin sa kanilang mga bahay.’ Kaya tinawag niyang isa-isa ang mga may –utang sa kanyang panginoon. Tinanong niya ang una: ‘Magkano ang utang mo sa aking panginoon?’ Sumagot ito: ‘Sandaang galon ng langis.’ Sinabi ng katiwala: ‘Narito ang resibo mo, maupo ka agad at isulat mo: Limampu.’ Tinanong naman niya ang ikalawa: ‘At ikaw, magkano ang utang mo?’ Sumagot siya: ‘Sanlibong takal ng trigo.’ Sinabi ng katiwala: ‘Narito ang iyong resibo at isulat mo: ‘Walundaan.’ Hinangaan ng panginoon ang matalinong paggawa ng di matuwid na katiwala. Mas matalino nga ang mga taong makamundo sa pakikitungo sa mga gaya nila kaysa mga tao ng liwanag.”
Marami tayong puwedeng makuhang interpretasyon sa talinhagang binahagi ni Hesus sa ating Ebanghelyo ngayon. Mayroon ding mga bahagi na hindi din malinaw para sa atin, tulad ng nagsisinungaling na alipin, sa siyang pinuri pa ng kanyang amo. Ang ibig sabihin ba nito ay hinihikayat ni Hesus ang ganitong pag-uugali? Pinapayagan niya ba tayong gumawa ng mali kahit na mabuti ang ating pakay? Paano natin ito maiintindihan, at maisasabuhay sa pang araw-araw? Kailangang maging malinaw sa atin na hindi dapat tayo humahanap ng kahit anong dahilan upang matanggap ang kahit anong hindi magandang gawain. Para sa pagpapalago ng Kaharian ng Diyos, patuloy tayong binibigyan ng pagkakataon upang magbago at gumawa ng mas nakabubuti pa sa kapwa. Hindi man aktwal na nangyari ang talinhaga, makikita natin na hinihikayat tayo ng Ebanghelyo ngayon upang sulitin ang lahat ng pagkakataong ibinigay sa atin ng Diyos upang makatulong tayo sa pagpapalago ng kanyang Kaharian. Maaring dahil tayo’y tao lamang, naghahangad tayo ng kasiguraduhan o kayamanan, ngunit ito ba ay dadalhin natin sa langit? Nawa’y manaig sa atin ang kagustuhang makamit ang espirituwal na kayamanan, ang kayamanan na ipinagkakaloob sa atin ng Diyos, para sa ikabubuti natin at ng ating kapwa. Amen.
- Br. Joseph Panaguiton, AA | Augustinians of the Assumptions
By Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province5
11 ratings