Sign up to save your podcasts
Or

Mabuting Balita l Nobyembre 7, 2022 – Lunes | Ika – 32 na Linggo sa Karaniwang Panahon
#MabutingBalita #DaughtersOfStPaulPhilippines #PaulinesPH
Ebanghelyo: Lucas 17:1-6
Sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad, “Hindi maaaring walang katitisuran at magpapabagsak sa taong maghahatid nito. Mas makabubuti pa sa kanya na talian ng gilingang bato sa leeg at ihagis sa dagat kaysa tisurin at pabagsakin ang isa sa maliliit na ito. Mag-ingat kayo. Kung magkasala ang kapatid mo, pagsabihan mo s’ya at kung magsisi’y patawarin mo. At kung pitong beses s’yang magkasala sa iyo sa isang araw at pitong beses din s’yang bumalik sa ‘yo na nagsisisi, patawarin mo s’ya.” Sinabi ng mga apostol sa Panginoon, “Dagdagan mo ang aming pananampalataya.” Sumagot ang Panginoon, “Kung may pananampalataya kayong sinlaki ng buto ng mustasa, masasabi ninyo sa punong mala-igos na ‘yan, ‘Mabunot ka at sa dagat ka matanim’, at susundin kayo nito.”
Mayroon daw apat na steps sa pagpapatawad ayon kay Dr. Hallowell sa kanyang librong Dare to Forgive. Una, bago ka makapagpatawad, you need to acknowledge what really happened. Ikalawa, kailangan isipin at pagnilayan mo kung saan marapat mapunta ang dinaramdam mong ito. Tanungin ang sarili, kaya mo na ba talagang magpatawad? Ikatlo, kailangan mo nang magdesisyon—at ito ang pinakamahirap sa lahat. Magpatawad nang hindi iniisip ang marapat na ganti. Ikaapat at panghuli, ang magpatawad galing sa isang pusong bukal at may malalim na pag-ibig—higit sa lahat, pag-ibig sa sariling nais palayain sa poot at galit. Of course, lahat ng ito’y madaling sabihin, ngunit mahirap gawin. Ito ang hamon ni Hesus sa Mabuting Balita ngayong araw. Bagamat alam nating habang-buhay tayo marupok sa kasalanan at pagiging magalitin. Tularan natin si Hesus ang mukha ng awa’t pag-ibig ng Diyos. Ang Diyos na walang ibang sagot sa ating pagkakasala’t kahinaan, ano ito? Pasensya! Kung nakaranas tayo ng pasenya at pagpapatawad ng Diyos, huwag natin sana ipagkait ito sa iba. Mahirap pero posible, magpakumbaba at magpatawad! Dahil ng totoo at siguro’y nasabi ko na sa programang ito: Ang tao bago magpatawad, ipapaalala niya muna sayo kung ano ang iyong mga nagawang kasalanan. Pero ang Diyos, bago siya magpatawad ipapaalala niya kung gaano ka niya kamahal. Amen.
– Cl Vinz Aurellano, SSP | Society of St. Paul
By Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province5
11 ratings