Sign up to save your podcasts
Or

Mabuting Balita l Nobyembre 8, 2022 – Martes
Ika – 32 na Linggo sa Karaniwang Panahon
Ebanghelyo: Lucas 17:7-10
Sinabi ni Hesus: “Ipagpalagay nang may katulong na nag-aararo o nag-aalaga ng mga tupa ang isa sa inyo. Anong sasabihin niya rito pagbalik nito galing sa bukid? Sasabihin kaya niya: ‘Halika na’t dumulog sa hapag’? Sa halip ay sasabihin niya: ‘Ihanda mo ang aking pagkain; magbihis ka’t pagsilbihan mo ako habang kumakain ako’t umiinom, at saka ka na kumain at uminom.’ Dapat kaya kayong tumanaw ng utang-na-loob sa utusang iyon dahil ginawa nito ang iniutos? Gayundin naman sa inyo. Pagkagawa ninyo sa lahat ng iniutos sa inyo, sabihin ninyo: ‘Mga karaniwang utusan kami; ginawa lang namin ang dapat naming gawin.’”
Pagninilay:
Kung titingnan sa pamantayan ng tao, ang ating Mabuting Balita ay mukhang nag- aanyaya ng pang-aabuso at walang pagpapahalaga ng mga amo sa kanilang mga katiwala. Ngunit hindi ito ang mensaheng nais iparating ni Hesus. Ang tema ng kwento bago sa pagbasang ito ay tungkol sa pakiusap ng mga alagad na palalimin ni Hesus ang kanilang pananampalataya. Ano ba ang koneksyon ng pananampalataya kay Hesus at kung paano dapat maging isang alipin o tagapagsilbi. Kung ating pagninilay nilayan ang pananampalataya, ito ay regalo mula sa Diyos. Ang paniniwala natin kay Hesus ay bunga ng kanyang pagbubunyag (revelation) ng kanyang sarili sa atin. Ang pananampalatayang ito ay hindi isang paraan para tayo ay yumaman sa mundo, maging makapangyarihan o maging tanyag. Ang bunga ng pananampalataya kay Hesus ay paglilingkod, pag-aalay ng sarili o buhay, at pagmamahal ng higit pa sa pisikal na bagay at sa kaligayahan ng mundo. Ano ang ibig sabihin ng mga bungang ito? Si Hesus ay naparito upang ipahayag ang pagdating ng Kaharian ng Diyos. Ang Diyos ay ang kanyang Ama at iisa lamang sila kasama ng Espiritu Santo. Pag-ibig at pagkakaisa ang nagiging bunga ng kanilang ugnayan. Ito ang sangkap ng pagiging alagad (servant) ni Hesus: pag-ibig, pag-aalay at paglilingkod. Ang alipin ay nagiging alagad lamang kapag tumataas ang kanyang pagtingin sa kanyang ginagawa. Hindi lamang sila utusan ngunit siya ay naglilingkod, hindi lang gumaganap ng dahil sa bayad kungdi nag aalay ng higit pa sa inaasahan sa kaniya, at hindi lang isang mababang nilalang kungdi isang taong marunung umibig ng higit pa sa kanyang sarili. Tayo nawa ay maging tunay na alagad ni Hesus at huwag lang manatiling alipin.
- Bro. Ethiel Roxas, AA | Augustinians of the Assumption
By Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province5
11 ratings