Sign up to save your podcasts
Or

Mabuting Balita l Nobyembre 9, 2022 – Miyerkules
Ika – 32 na Linggo sa Karaniwang Panahon
Ebanghelyo: Juan 2:13-22
Malapit na ang Paskuwa ng mga Judio, at umahon pa Jerusalem si Hesus. Natagpuan niya sa patyo ng templo ang mga nagtitinda ng mga baka, mga tupa at mga kalapati, at ang mga nakaupong tagapalit ng pera. Kaya gumawa si Hesus ng panghagupit mula sa mga lubid, at ipinagtabuyan ang lahat mula sa Templo, pati ang mga tupa at mga baka, at isinabog ang pera ng mga tagapalit sa pagtataob ng mga mesa. At sinabi niya sa mga nagtitinda ng mga kalapati: “Alisin ninyo ang mga ito! Huwag na ninyong gawing bahay-kalakalan ang Bahay ng aking Ama.” Naalaala ng kanyang mga alagad na nasusulat: “Naglalagablab sa akin ang malasakit sa iyong Bahay.” Sumagot ang mga Judio: “Anong tanda ang maipakikita mo sa amin? Ano ang magagawa mo?” Sinagot sila ni Hesus: “Gibain ninyo ang Templong ito, at ibabangon ko ito sa tatlong araw.” Sinabi naman ng mga Judio: “Apatnapu’t anim na taon nang itinatayo ang templong ito, at ibabangon mo sa loob lamang ng tatlong araw?” Ngunit ang templo ng kanyang katawan ang tinutukoy ni Hesus. Nang bumangon siya mula sa patay, naalala ng kanyang mga alagad ang sinabi niyang ito. Kaya naniwala sila sa Kasulatan at sa salitang sinabi ni Hesus.
Pagninilay:
Mahalaga – mula sa mga salitang “May” at “Halaga” – naglalarawan na ang isang bagay o tao ay may angking natatangi na higit sa karaniwan. Gayundin, makikita ang mga salitang “Mahal” at “Alaga” na nakapaloob sa Mahalaga. Magkakaugnay ang mga salitang ito. Ipinakikita ng bawat salita ang ugaling inaasahan kung tunay ma mahalaga sa atin ang isang tao o bagay. Nagpapaalala na kung mahalaga siya sa iyo dapat siyang mahalin at alagaan. Mga kapatid, ipinapaalala ni Hesus sa ating ebanghelyo ngayon ang paggalang sa Dambana ng Panginoon, sa bawat Tahanan Diyos, sapagkat MAHALAGA ito; dapat itong mahalin at alagaan. Mula sa pisikal na simbahan, gayundin ang simbahan na binubuo ng bawat tao at maging ang mismo nating sarili sa kaibuturan ng ating puso – Tandaan nating nananahan ang Diyos sa lahat ng nabanggit. Alalahanin natin na mababakas ang Larawan ng Diyos sa kanyang mga nilikha, lahat May Halaga, lahat MaHalaga. Mga kapatid, alagaan, mahalin at igalang natin ang tahanan ng Diyos, ang lahat ng kanyang nilikha, ang bawat bagay na naglalapit sa atin sa Kanya. Pagyamanin nating lagi ang ating ugnayan at pagpapahalaga sa Diyos araw-araw. – Fr. Keiv Aires Dimatatac, SSP | Society of St. Paul
By Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province5
11 ratings