PAULINES

Mabuting Balita l Pebrero 16, 2023 – Huwebes


Listen Later

Mabuting Balita l Pebrero 16, 2023 – Huwebes

Ikaanim na Linggo sa Karaniwang Panahon



Ebanghelyo: Mk. 8:27-33

Pumunta si Hesus kasama ang kanyang mga alagad sa mga nayon ng Cesarea ni Filipo. At habang nasa daa’y tinanong niya ang kanyang mga alagad: “Sino raw ako ayon sa mga tao?” Sumagot sila: “May nagsasabing si Juan Bautista ka; may iba pang nagsasabing si Elias ka o isa sa Mga Propeta kaya.” At tinanong niya sila: “Ngunit ano naman ang sinasabi ninyo kung sino ako?” At sumagot si Pedro: “Ikaw ang Mesiyas.” At inutusan niya sila na huwag sabihin kaninuman ang tungkol sa kanya. At sinimulan niyang ituro sa kanila na kailangang magtiis ng marami ang Anak ng Tao. Itatakwil nga siya ng mga Matatanda ng bayan, ng mga Punong-pari at ng mga guro ng Batas. Papatayin siya at muling babangon pagkatapos ng tatlong araw. At buong tapang siyang nagsalita. Dinala naman siya ni Pedro sa isang tabi at sinimulan siyang pagsabihan. Ngunit pagtalikod ni Hesus, nakita niya na naroon din ang kanyang mga alagad. Kaya pinagsabihan si Pedro: “Sa likod ko, Satanas! Hindi sa Diyos galing ang iniisip mo Kundi mula sa tao


Pagninilay:

Mahalaga sa isang mananampalataya na kilalaning mabuti ang Diyos na kanyang pinaniniwalaan. Mangangailangan ito ng pag-aaral tulad ng pagbabasa ng Biblia. Malaking tulong din ang ating patuloy na pananalangin araw-araw. Sa pamamagitan ng panalangin, lalago ang ating personal na relasyon sa Diyos. Bigyan natin ng panahon ang ating sarili, na usisain, kung ano ang ating pagkakilala kay Hesus. Kung tatanungin tayo ng ibang tao kung sino si Hesus, paano natin sila sasagutin? Sa Mabuting Balita ngayon, narinig nating sinabi ni Hesus kay Pedro, “Lumayo ka Satanas! Ang iniisip mo’y hindi sa Diyos kundi sa tao”. Tinawag ni Hesus si Pedro na Satanas, bakit po kaya? Dahil ang iniisip ni Pedro, ay taliwas sa plano ng Diyos. Maaaring karanasan din po natin, na may mga pagkakataon sa buhay natin na hindi natin matanggap, dahil tayo’y nahirapan. Pero, kung bukas tayo sa mga biyaya ng Diyos, makikita natin na madalas, nagiging higit na malakas at matatag tayo sa buhay, dahil sa mga pagsubok at paghihirap na ating nalampasan sa tulong at awa ng Diyos. Hindi pa po lubos na ligtas ang ating bansa sa banta ng pandemya. Medyo maluwag na po tayo ngayon, pero kung babalikan natin ang mga panahon ng ating paghihirap, masasabi ba natin, na salamat sa Diyos, dahil sa kabila ng lahat, tayo ay narito pa rin at ligtas? Sa mga nawalan ng mahal sa buhay sa panahon ng pandemya, ipinaaabot ko po ang aking pakikiramay. Amen.

- SR. EDITH LEDDA, FSP

...more
View all episodesView all episodes
Download on the App Store

PAULINESBy Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province

  • 5
  • 5
  • 5
  • 5
  • 5

5

1 ratings