PAULINES

Mabuting Balita l Pebrero 2, 2023 – Huwebes


Listen Later

Mabuting Balita l Pebrero 2, 2023 – Huwebes

Kapistahan ng Pagdadala kay Jesus na Panginoon sa Templo



Ebanghelyo: Lucas 2:22-32

Nang dumating na ang araw ng paglilinis nila ayon sa Batas ni Moises, dinala nina Jose at Maria ang sanggol na si Hesus sa Jerusalem para iharap sa Panginoon tulad ng nasusulat sa Batas ng Panginoon: Lahat ng panganay na lalaki ay ituturing na banal para sa Panginoon. Ngayon, sa Jerusalem ay may isang taong nagngangalang Simeon; totoong matuwid at makadiyos ang taong iyon hinihintay niya ang pagpapaginhawa ng Panginoon sa Israel at sumasakanya ang Espiritu Santo na hindi siya mamamatay hanggat hindi niya nakikita ang Mesiyas ng Panginoon. Kaya pumunta siya ngayon sa Templo sa pagtutulak ng Espiritu, nang dalhin ng mga magulang ang batang si Hesus para tuparin ang kaugaliang naaayon sa Batas tungkol sa kanya, kinalong siya ni Simeon sa kanyang mga braso at pinuri ang Diyos at sinabi “Mapapayaon muna ang iyong utusan Panginoon nang may kapayapaan, ayon na rin sa yong wika pagkat nakita na ng aking mata ang iyong pag liligtas na inihanda mo sa paningin ng lahat ng bansa. Ang liwanag na ibubunyag mo sa mga bansang pagano at ang luwalhati ng iyong bayang Israel.

Pagninilay:

Naranasan mo na bang umasa? O pinaasa? Ano ba ang iyong inaasahan? O sino ba ang iyong inaasahan? Bakit madalas lagi tayong disappointed sa ating inaasahan? Dahil siguro, hindi naman pang-forever ang ating inaasahan. Sa ating Mabuting Balita ngayon, umaasa si Propeta Simeon na makikita niya ang tagapagligtas. Natupad ito nang dinala nina Maria at Jose ang batang Hesus sa templo. Buong buhay ni Simeon ang kanyang tanging ninanais ay makilala at makita ang ating Panginoong Hesus. At habang hinihintay niya ito, siya’y naging tapat at kailanma’y hindi nawalan ng pag-asa na matutupad ito. Mga kapanalig, ipinapaalala lang sa atin ngayon na katulad ni Simeon, sana hangarin din natin ang ating Panginoon sa ating buhay, dahil siya ang simula at katapusan. Ibig sabihin sa kanya lang natin makakamtan ang buhay na walang hanggan. Kapag umasa lang tayo sa mga bagay na pansamantala, kailanma’y hindi tayo makukuntento. Dahil kapag nakuha na natin ito, at nawala ulit, maghahanap na naman tayo at aasang muli. Tunay na nakakapagod, nakaka-disappoint, nakakainis, di ba? Ayaw mo nang maranasan ang mga bagay na ito. Kaya simula ngayon, ang Panginoon lamang ang atin naisin at asahan, dahil sa kanya lang natin mararanasan ang tinatawag na forever. Forever na kapayapaan, forever na kasiyahan at forever na pagmamahal, Amen.

- Bro. Sylvester Ma. Bay ng Marian Missionaries of the Holy Cross

...more
View all episodesView all episodes
Download on the App Store

PAULINESBy Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province

  • 5
  • 5
  • 5
  • 5
  • 5

5

1 ratings