Sign up to save your podcasts
Or

Mabuting Balita l Pebrero 22, 2023
Miyerkules ng Abo
Ebanghelyo: Mt. 6:1-6,16-18
Sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: “Mag-ingat na hindi maging pakitantao lamang ang inyong mabubuting gawa. Kung ganito ang gagawin n’yo wala na kayong gantimpala sa inyong Amang nasa Langit. Kaya pag nagbibigay ka ng limos, huwag pahipan ang trumpeta sa unahan gaya ng ginagawa ng mga mapagkunwari sa sinagoga at sa mga daan; gusto nilang mapuri ng mga tao. Sinisiguro ko sa inyo na nagantimpalaan na sila ng husto. Kaya kung ikaw naman ang magbibigay ng limos, huwag ipaalam sa iyong kaliwang kamay ang ginagawa ng iyong kanang kamay; at mananatiling lihim ang iyong paglilimos at ang iyong Amang nakakakita sa mga lihim ang siyang gagantimpala sa iyo. At kung ikaw naman ang mananalangin, pumasok sa iyong silid, isara ang pinto at manalangin sa iyong Ama na kasama mo nang lihim; at ang iyong Ama na nakakakita sa ipinaglilihim ang gagantimpala sa iyo. Kung ikaw naman ang mag-aayuno, maghilamos at ayusin ang sarili sapagkat hindi ka nag-aayuno na pakitantao lamang kundi para sa iyong Amang nakakakita sa lahat. At gagantimpalaan ka ng iyong Amang nakakakita sa lahat ng lihim.”
Pagninilay:
Ngayong Miyerkules ng Abo, ang araw kung kailan minamarkahan ng krus ang ating mga noo upang ipaalala sa atin na tayo’y nabubuhay ng dahil sa pagmamahal at pagpapatawad ng Dios sa pamamagitan ng krus ni Kristo. Mga kapanalig, araw-araw tinatawag tayo ng Panginoon upang tingnan ang ating kasalukuyang kalagayan at kung saan tayo patungo. Magagawa lamang natin ito kung atin ding titingnan ang ating relasyon sa DIYOS at sa ating kapwa -- kung saan tayo nagkasala o nagkulang at kung ano ang dapat nating gawin upang makabalik sa ating paglalakbay patungo sa DIYOS. Ang tanong: Ano nga ba ang dapat nating isabuhay at gawin upang makabalik tayo patungo sa Diyos? Merong tatlong mungkahi sa atin ang ebanghelyo -- paglilimos, panalangin, at pag-aayuno. Ang PAGLILIMOS ay dapat na higit pa sa pagbibigay ng pera sa charitable institutions. Ito ay ang walang pasubaling pagbibigay ng ating mga sarili upang mapabuti at mapaunlad ang ating sarili at ang iba. Ang PANALANGIN ay ang ating pakikipag-ugnayan sa DIYOS. Hindi lamang ito tumutukoy sa mga salitang binibitawan natin, kundi ang ating saloobin tungkol sa DIYOS - ang ating relasyon sa DIYOS. Ang PAG-AAYUNO ay hindi lamang pagbawas ng pagkain o hindi pag kain; ito ay pag-alis ng mga bagay na humahadlang sa ating pagtutok sa DIYOS at sa ating kapwa. Mga kapanalig, ang Kuwaresma ay isang espesyal na panahon ng pagkamatay kasama ni Kristo, at ang pagpatay sa anumang bagay sa atin na hindi nakakatulong upang mas mapalapit sa DIYOS at sa ating kapwa.
FR. XAVIER AMOROSO NG ARCHDIOCESE OF CACERES
By Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province5
11 ratings