Sign up to save your podcasts
Or

Mabuting Balita l Pebrero 3, 2023
Biyernes sa Ikaapat na Linggo sa Karaniwang Panahon
Ebanghelyo: Mark 6:14-29
Nabalitaan ni Haring Herodes ang tungkol kay Hesus sapagkat tumanyag na ang kanyang pangalan. May nagsasabing nabuhay si Juan Bautista mula sa mga patay kaya nagkakabisa sa kanya ang makalangit na kapangyarihan. Sinabi naman ng iba: “si Elias nga ito,” “Ito ay isang propeta gaya ng mga ibang propeta noon.” Nang mabalitaan ito ni Herodes ay sinabi niya: “Nabuhay nga sa mga patay si Juan na pinapugutan ko ng ulo.” Si Herodes ang nagpahuli kay Juan, at ipinakadena ito sa kulungan dahil kay Herodias na asawa ng kanyang kapatid na si Felipe.Pinakasalan ni Herodes si Herodias at sinabi ni Juan kay Herodes: “Hindi ka puwedeng pumisan sa asawa ng iyong kapatid.” Talaga ngang matindi ang galit ni Herodias kay Juan at gusto niya itong patayin pero hindi niya magawa. Iginagalang nga ni Herodes si Juan dahil itinuturing niya itong mabuti at banal na tao, kaya pinanatili niya itong buhay. Nalilito siya matapos makinig kay Juan, gayunma'y gusto pa rin niya itong marinig. At nagkaroon ng pagkakataon sa kaarawan ni Herodes nang maghanda siya para sa kanyang mga opisyal, mga pinuno ng hukbo at mahahalagang tao ng Galilea. Pagpasok ng anak ni Herodias, nagsayaw ito at nasiyahan naman sa kanya si Herodes at lahat ng nasa handaan. Sinabi ng hari sa dalagita: “Ibibigay ko sa iyo ang anumang hingin mo.” At sinumpaan pa niya ang pangakong ito, “ibibigay ko sa iyo ang anumang hingiin mo, at kahit na ang kalahati ng aking kaharian.” Lumabas ang anak at tinanong ang kanyang ina: “Ano ang hihingin ko?” “Ang ulo ni Juan Bautista.” Agad niyang pinuntahan ang hari at sinabi: “Gusto kong ibigay mo kaagad sa akin ang ulo ni Juan Bautista sa isang bandeha.” Nasaktan ang hari dahil sa sinumpaan niyang pangako sa harap ng mga bisita ngunit ayaw niyang tumanggi. Kaya iniutos ng hari sa isa niyang guwardiya na dalhin ang ulo ni Juan. Pinugutan nito si Juan sa kulungan, inilagay sa isang bandeha ang kanyang ulo, ibinigay naman ito ng dalagita sa kanyang ina.
Pagninilay:
Mga kapanalig, namatay si Juan Bautista dahil binatikos niya ang pangangalunya nina Herodes at Herodias. Naging buo ang loob niya, matatag ang pananampalataya, at naging tapat sa kanyang misyon ano man ang maging kapalit nito. Suriin naman natin ang ating sarili. Malakas din ba ang loob nating magsalita kung may napapansin tayong hindi tama sa kalakaran sa lipunan o sa komunidad na ating ginagalawan? Handa ba tayong manindigan sa tama, mabuti at kalugod-lugod sa Diyos? kahit nangangahulugan pa ito ng pagtakwil at pag-uusig… at kahit manganib ang ating buhay? Sinasabi nga na namamayagpag ang kasamaan sa lipunan dahil sa pananahimik ng mabubuting taong takot manindigan. Totoo, na mahirap magsalita lalo na kung ang binabangga mo isang taong makapangyarihan katulad ni Herodes. Pero, kung nasa puso mo ang Panginoon, at para sa kapakanan ng nakararami ang iyong ipinaglalaban, kakayanin mong maging bagong Juan Bautista sa tulong ng Banal ng Espiritu.
CL. JOHN CESAR CAALEM, SSP
By Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province5
11 ratings