PAULINES

Mabuting Balita l Pebrero 4, 2023 – Sabado


Listen Later

Mabuting Balita l Pebrero 4, 2023 

Sabado sa Ikaapat na Linggo sa Karaniwang Panahon



Ebanghelyo:  Mark 6:30-34

Pagbalik ng mga apostol kay Hesus, isinalaysay nila sa kanya ang lahat nilang ginawa at itinuro. Sinabi naman niya sa kanila: “Tayo na sa isang ilang na lugar para mapag-isa tayo at makapagpahinga kayo nang kaunti.” Sapagkat doo'y marami ang paroo't parito at hindi man lamang sila makakain. Kaya lumayo sila at namangka na sila-sila lang patungo sa ilang na lugar.  Ngunit nakita silang umalis ng ilan at nabalitaan ito ng marami. Kaya nagtakbuhan sila mula sa kani-kanilang bayan at nauna pang dumating na lakad kaysa sa kanila. Pagdating ni Hesus sa pampang, nakita niya ang maraming tao na nagkakatipon doon at naawa siya sa kanila sapagkat para silang mga tupang walang pastol. At nagsimula siyang magturo sa kanila nang matagal.


Pagninilay:

Kapanalig, na-imagine nyo ba ang dami ng tao na humahabol kay Jesus Maestro? Time to rest and pray na sana para sa kanya. Me-time ng ating Panginoon, o “our time” na kasama ng mga disciples. Kaso, hindi Niya kayang ipikit ang Kanyang mga mata sa nauuhaw at nagugutom na mga tao. Pag-usapan natin ang self-sacrifice at ang self-care. Ang buhay ng ating Jesus Maestro, total self-sacrifice. Buong buhay ibinuhos para sa ating lahat. His life was dedicated to exhausting Himself through offering his time, strength, and his entire life. Wala tayong maririnig sa Kanya tungkol sa Kanyang sariling ambisyon, posisyon sa lipunan, kayamanan, at iba pang pansariling tagumpay. Ang ginawa niyang pagpapakasakit, hindi para sa Kanya. Nakaugat ito sa Ama na nagsugo sa Kanya. Tulad ni Jesus, kay gandang isipin na bawat isa sa atin, may misyon. Halimbawa, kung ikaw ay isang teacher, buong lakas iniaalay mo sa pagtuturo. Kung farmer ka, bawat paggising mo sa umaga, iniisip mo ang kondisyon ng iyong mga pananim. Kung isa kang doctor, kahit Sunday, nagrorounds ka sa iyong mga pasyente. Kung nag-laLazada ka, kahit gabi hawak mo ang device mo para tumanggap ng orders. Ang mga millennials nga, maliliksi sa kanilang paggawa ng design, o busy sa kung ano ang kanilang “Myday” o pagproduce para sa kanilang vodcast. Ang gandang isipin na okupado ang buong araw mo sa pag-aasikaso, sa pagpaplano, sa pagtatrabaho. Pero hanggang kailan natin ito gagawin? Saan tayo humuhugot ng lakas? Gaano kawagas ang layunin natin? Bigyan natin ng puwang ang “self-care”. Ito ang pagbibigay puwang sa pangangailangan ng ating kaluluwa, ng ating kalusugan, ng ating isip. Walang makagagawa nito kundi tayo mismo.  Maiwasan sana natin ang ma-burn-out.   Yun bang feeling mo, nagka-crash na ang willingness mo na gumawa. Madalas na nagiging irritable na. Parang frozen na ang pang-unawa mo. Ayaw mo na ring makakita ng nakakatoxic na tao, kaya nagwiwithdraw ka. Kaya “self-care” ang kailangan. Una, spend moments to be alone with God. Pakiramdaman natin ang init na nirerenew ni Lord sa ating sarili. Magdasal. Magsimba. Ikalawa, learn how to laugh out loud, kasama ng iyong mga good friends. Coffee lang o tea ang katapat na may biscuit, ok na. Basta nagkukumustahan, nagkukwentuhan, nagkakatuwaan. Ikatlo, talk to yourself. Magbutterfly embrace ka sa self mo. Say, “I care for you”. Befriend your stress. Ito ang mga paraan para sa “self-care”. Self-sacrifice at self-care. Dalawang mahalagang bagay na kailangan nating isabuhay.

- Sr. Gemmaria Dela Cruz, fsp l Daughters of St. Paul

...more
View all episodesView all episodes
Download on the App Store

PAULINESBy Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province

  • 5
  • 5
  • 5
  • 5
  • 5

5

1 ratings