Sign up to save your podcasts
Or

Mabuting Balita l Pebrero 5, 2023
Ikalimang Linggo sa Karaniwang Panahon
Ebanghelyo: Mt 5:13-16
Sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: “Kayo ang asin ng mundo. Ngunit kung mawalan ng lasa ang asin, paano pa ito mapaaalat na muli? Wala na itong silbi. Itatapon na lamang at tatapakan ng mga tao. Kayo ang ilaw ng mundo. Hindi maitatago ang lunsod na itinayo sa tuktok ng bundok. Hindi rin sinisindihan ang ilaw para takpan ng kahon, sa halip ay inilalagay ito sa isang lampara at tumatanglaw sa lahat ng nasa bahay. Gayundin naman ang inyong liwanag sa paningin ng mga tao; at makikita nila ang inyong mabubuting gawa at pupurihin nila ang inyong Amang nasa Langit.”
Pagninilay:
Inihahalintulad ng Panginoon ang kanyang mga alagad, kabilang na tayo, sa asin at ilaw. Masasabing mga eksperto tayong mga nanay sa silbi ng asin sa ating tahanan. Isa itong preservative. Ginagamit ito sa paggawa ng tuyo, daing at kahit tinapa. Nagbibigay din ng lasa ang asin sa kahit gaano kasimpleng pangkain. Subukan nyo’ng magprito ng itlog at wag maglagay ng asin. Di masarap, di po ba? Sabi nila, nung unang panahon, iwiniwisik ng mga ninuno natin ang asin sa kanilang paligid upang palayasin ang masasamang espiritu. Ganoon katindi ang power nang asin! Ang halaga ng ilaw ay di rin matatawaran. Paano natin magagampanan ang mga gawain natin kung walang ilaw? Dahil sa ilaw, naipagbubukod ang liwanag at dilim. Mga kapanalig, kung ihinahalintulad tayo ng Panginoon sa asin, dapat, nakapagbibigay tayo nang buhay sa pananampalataya ng mga taong nasa paligid natin. At bilang ilaw, tungkulin nating magpaliwanag at ipalaganap ang Salita nang Diyos sa paraang mauunawaan ng lahat. Di na natin kailangang magmisyon sa malalayong bansa o magpatotoo sa gitna ng daan o sa loob nang bus at mga tren. Ang pinaka-epektibong pahayag ay ang paraan ng ating pamumuhay – kung paano tayo nagmamahal, nagpapatawad at nagmamalasakit sa kapwa. Dapat nating tandaan na maaring di maalala ng mga tao ang ating sinasabi, pero maaalala nila ang ating ginagawa. Then let our lives be our testimony. Pero di tayo superheroes. Dumarating ang panahong napapagod din tayo at minsan ay nawawalan ng gana. Huwag mag-alala. Magpahinga lang tayo sandali at lalong kumapit sa Panginoon. Dahil tanging ang grasya niya ang makapagpapatingkad sa ating “alat” at “kinang” bilang mga asin at ilaw sa mundong ating ginagalawan.
Manalangin tayo:
Panginoon, alam po namin na mahalaga ang aming responsibilidad sa pagpapalaganap nang Iyong banal na salita sa aming kapwa. Bigyan mo po kami nang lakas nang isip at katawan, upang di kami madaig ng pagod o pagkabigo o mga tukso man ng kaaway. Lukuban nawa kami nang Iyong Banal na Espiritu upang sa lagi-lagi ay maging maningning kaming mga ilaw at malalasang asin sa pagtupad ng aming misyon, AMEN.
Lulu Pechuela, APC
By Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province5
11 ratings