Sign up to save your podcasts
Or

Mabuting Balita l Pebrero 9, 2023
Huwebes sa Ikalimang Linggo sa Karaniwang Panahon
Ebanghelyo: Mark 7:24-30
Lumayo si Hesus patungo sa hangganan ng Tiro. Pumasok siya roon sa isang bahay at kahit na ayaw niya itong malaman ninuman, hindi ito nalihim. May isang babaeng nakabalita tungkol sa kanya. Inaalihan ng maruming espiritu ang kanyang dalagita kaya pumunta siya at nagpatirapa sa kanyang paanan. Isa siyang paganong taga-Sirofenicia. At ipinakiusap niya kay Hesus na palayasin ang demonyo sa kanyang anak. Sinabi naman niya sa kanya: “Bayaan mo munang mabusog ang mga anak. Hindi tama na kunin ang tinapay sa mga bata at itapon ito sa mga tuta.” Sumagot ang babae: “Totoo nga Ginoo, pero kinakain ng mga tuta sa ilalim ng mesa ang mga nalalaglag mula sa mga bata.” At sinabi sa kanya ni Hesus: “Dahil sa sinabi mong ito, lumabas na sa iyong anak na babae ang demonyo.” Kaya umuwi na ang babae at nakita niya ang bata na nakahiga sa kama; “Lumabas na nga ang demonyo”.
Pagninilay:
Ang isang mapagmahal na Ina, gagawin lahat para sa minamahal na anak. Ipinakita ito ng ina sa ating Mabuting Balita ngayon. Sa kabila ng wari bang pangungutya ni Hesus sa babae, nang sabihan niya ito na hindi dapat kunin ang pagkain ng mga anak upang ihagis sa mga tuta. Ang sakit namang pakinggan, di po ba? Parang sinabi na rin ni Hesus sa babae na tuta ang kanyang anak. Pero, para kay Hesus, isa itong pagsubok sa katatagan ng babae. Narinig natin ang tugon ng babae, na kahit ang mga tuta sa ilalim ng hapag ay naninimot ng mga mumong na nalalaglag sa mga anak. Wow! Talaga naman pong napabilib si Hesus sa tugon ng babae. Tatag ng loob, kababaan ng loob, tibay ng pananampalataya ang ipinakita ng babae, kaya naman ipinagkaloob na gumaling ang kanyang anak. Tayo po kaya, mga kapanalig. Sa panahong dumaraan tayo sa matinding pagsubok, taimtim po ba tayong humihingi ng tulong at awa sa ating Panginoon Hesus nang may kababaan ng loob, tibay ng pananampalataya at lakas ng loob?
Manalangin tayo: Mapagmahal ng Hesus, sa panahon ng aming lubbang pangangailangan kayo po ang aming nilalapitan. Dumudulog po kami sa iyo ng may kababaang loob. Harinawa, tugunin aming dalangin. Manatili po nawa ang aming pag-asa sa iyo at maging daluyan din kami ng Iyong biyaya para sa aming kapwa. Salamat po sa lahat ng biyayang kaloob mo. Amen.
- Sr. Edith Ledda, FSP / Daughters of St. Paul
By Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province5
11 ratings