Sign up to save your podcasts
Or

MABUTING BALITA l SETYEMBRE 10, 2022 – SABADO
Ika – 23 na LINGGO sa Karaniwang Panahon
Ebanghelyo: Lc 6:43-49
Sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: “Hindi makapamumunga ng masama ang mabuting puno, at ang masamang puno nama’y hindi makapamumunga ng mabuti. Nakikilala ang bawat puno sa bunga nito. Hindi makapipitas ng igos mula sa tinikan ni makaaani ng ubas mula sa dawagan. Naglalabas ang taong mabuti ng mabuting bagay mula sa yaman ng kabutihan sa kanyang puso; ang masama nama’y naglalabas ng masamang bagay mula sa kanyang kasamaan. At umaapaw nga mula sa puso ang sinasabi ng bibig. Bakit pa ninyo ako tinatawag na ‘Panginoon, Panginoon,’ pero hindi ninyo naman tinutupad ang aking sinasabi? Ilalarawan ko sa inyo ang lumalapit sa akin at nakikinig sa aking mga salita at tumutupad nito. May isang taong nagtatayo ng bahay, na humukay ng malalim at sa batuhan inilagay ang mga pundasyon. Pagdating ng baha, hinampas ng agos ang bahay na iyon subalit wala itong lakas para yanigin iyon sapagkat mabuti ang pagkakatatag niyon. At kung may nakikinig ngunit di naman nagsasagawa, matutulad siya sa nagtatayo ng bahay sa ibabaw ng lupa na wala namang pundasyon. Hinampas ito ng agos at kaagad bumagsak. Anong laki ng pagkawasak ng bahay na iyon!”
Pagninilay:
Lahat ng bagay na nilikha ng Diyos ay nagtataglay ng presensya ng Diyos. Pero alalahanin natin na sa lahat ng mga nilikha, tayong mga tao lamang ang nilikhang kawangis ng Diyos. Ito ang larawan ng pagkalikha ng Diyos sa atin, kung kaya’t ito ang nais Niyang ipaalala sa atin. Bunga tayo ng paglikha ng Diyos! Kung kaya’t ang Diyos ang maituturing na Puno na ating pinagmulan. Puno na puspos ng pagmamahal, kabutihan at malasakit sa sangnilikha. Mga kapanalig, totoo na kung ano ang puno ganun din ang bunga. Suriin natin ngayon ang ating sarili! Makikita ba sa atin, ang mukha ng Diyos na Mapagmahal, Mapagpatawad, at may Malasakit? Makikita ba sa paraan ng ating pamumuhay at pakikipagkapwa tao na tunay tayong pinaghaharian ng Diyos? Nakakalungkot na sa panahon natin ngayon, tila nasasapawan ng kasamaan ang kabutihan, nasasapawan ng kasinungalingan ang katotohanan, at tila ba pera-pera na lang ang umiiral na kalakaran sa lipunan. Kayang bilhin ng pera ang prinsipyo, paninindigan, at paniniwala ng isang tao. Pansinin ninyo ang troll farm sa social media, na magpahanggang ngayon patuloy sa pagpapakalat ng kasinungalingan, nagsisiwalat ng mga hate messages, at nambaba-bash sa mga taong hindi nila kaalyado at parehas mag-isip. Marahil tatanungin natin, meron pa kaya silang sa Diyos? O May takot pa kaya sila sa Diyos? O tuluyan na nilang tinalikuran ang Diyos at hindi na sila nakukunsensya sa masamang gawain. Mga kapanalig, dahil sa maling paggamit ng kalayaan, sinisira ng ilan sa atin ang napakagandang mukha na itinatak ng Diyos sa ating pagkatao. Hindi na tayo nagiging kawangis ng Diyos na Mabuti at mapagmahal. Kusa tayong lumalayo sa Puno na nagbigay buhay at nagpalago sa atin. Magkaganun pa man, hindi tayo sinusukuan ng Diyos. Nandidyan ang Sakramento ng Kumpisal upang manumbalik tayo sa Kanyang grasya at pagmamahal. Kapanalig, balikan natin ang ating tunay na dignidad bilang anak ng Diyos, at ulit-uliting parang mantra na “likas akong mabuti… dahil nilikha akong kawangis ng Diyos.” Sa tulong ng Banal na Espiritung nananahan sa ating puso, makabalik nawa tayo sa natura ng pagkakalikha ng Diyos sa atin.
- SR. LINES SALAZAR, FSP
By Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province5
11 ratings