Sign up to save your podcasts
Or

MABUTING BALITA l SETYEMBRE 11, 2022 – LINGGO
Ika – 24 na LINGGO Karaniwang Panahon
Ebanghelyo: Lc 15:1-10
Lumapit kay Hesus ang lahat ng kolektor ng buwis at mga makasalanan para makinig. Kaya nagbulung-bulungan ang mga Pariseo at mga guro ng Batas: “Tinatanggap niyan ang mga makasalanan at nakikisalo sa kanila.” Kaya sinabi ni Hesus ang talinhagang ito sa kanila: “Kung may sandaang tupa ang isa sa inyo at mawala ang isa sa mga ito, hindi baga niya iiwan ang siyamnapu’t siyam sa ilang para hanapin ang nawawala hanggang matagpuan niya ito? At pag natagpuan ito’y masaya niya itong pinapasan sa balikat, at pagdating sa bahay ay tatawagin niya ang mga kaibigan at mga kapitbahay at sasabihin sa kanila: ‘Matuwa kayong kasama ko sapagkat natagpuan ko na ang nawawala kong tupa.’ Sinasabi ko sa inyo: magkakaroon din ng higit na kagalakan sa Langit para sa isang makasalanang nagsisisi kaysa siyamnapu’t siyam na matuwid na di nangangailangan ng pagsisisi. Kung may sampung baryang pilak ang isang babae at nawala ang isa sa mga ito, hindi ba siya magsisindi ng ilaw, magwawalis sa bahay at hahanaping mabuti hanggang matagpuan ito? At pagkakita rito’y tatawagin ang mga kaibigang babae at mga kapitbahay: ‘Matuwa kayong kasama ko sapagkat natagpuan ko ang nawawala kong baryang pilak.’ Sinasabi ko sa inyo na ganito rin sa mga anghel ng Diyos, magkakaroon ng kagalakan para sa isang makasalanang nagsisisi.”
Pagninilay:
Marahil narinig na ninyo ang kasabihang, “God hates the sin but loves the sinner.” Sa ating mga tao, parang ang hirap gawin ito. Kapag nagalit tayo sa pagkakamali ng ating kapwa, binubunton agad natin ang ating galit o paghusga sa taong nagkamali. Mahirap para sa atin ang pahiwalayin ang kanyang pagkakamali sa taong nagkasala.
Tinuturuan tayo ni Jesus na tularan ang kanyang pakikitungo sa tao. Kung tutuusin, lahat ng mga tao sa ebanghelyo, maliban kay Jesus, ay nagkasala. Puno ng pagmamalaki ang mga Pariseo at mga eskriba ukol sa kanilang kabanalan. Nasusuklam sila sa mga publikano at mga makasalanan na lumapit kay Jesus. Ngunit hinarap silang lahat ni Jesus at pinaliwanagan. Hindi niya tinukoy kung sino ang mabuti o masama. Nagkuwento si Hesus para ilarawan sa kanila ang higit na mahalagang bagay: ang kaligayahang nadarama ng Diyos sa tuwing may naligaw ng landas na bumabalik sa kanya, sa tuwing mayroong Nawala at muling natagpuan. Hindi kontento ang pastol kung maiwan man ang siyamnapu’t siyam samantalang nawawala ang isang tupa. Para sa Diyos, hindi niya mabibilang ang kanyang kawan sa siyamnapu’t siyam. Zero pa rin ang tingin niya hanggang may tupang nawawala dahil gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa kanyang kawan. Katulad din ng isang barya ng babae na nawawala. Nang matagpuan niya iyon, kailangan niyang magdiwang! Nasisiyahan ang Diyos at nagdiriwang ang langit sa tuwing may isang makasalanang nagsisisi at nagbabago ng lakad sa buhay!
-FR. PAUL MARQUEZ , SSP
By Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province5
11 ratings