Sign up to save your podcasts
Or

MABUTING BALITA l SETYEMBRE 13, 2022 – MARTES
Ika – 24 na LINGGO sa Karaniwang Panahon
Ebanghelyo: Lk 7:11-17
Pumunta si Hesus sa isang bayang tinatawag na Nain; at sinamahan siya ng kanyang mga alagad, kasama ang maraming tao. Habang papalapit siya sa pintuan ng bayan, tamang tama namang inilalabas ang isang patay, ang nag iisang anak na lalake ng kanyang ina. At ito’y isang byuda kaya sinamahan siya ng di kakaunting tao mula sa bayan. Pagkakita sa kanya, nahabag sa kanya ang Panginoon at sinabi “Huwag kanang umiyak.” Lumapit siya at hinipo ang kabaong: tumigil naman ang mga may dala. At sinabi niya, “Binata, iniuutos ko sayo bumangon ka”. Umupo nga ang patay, at nagpasimulang magsalita. At ibinigay siya ni Hesus sa kanyang ina. Nasindak ang lahat: at Nagpuri sa Diyos, at sinabi, Lumitaw sa natin ang isang dakilang propeta: at dinalaw ng Dios ang kanyang bayan. Kaya’t kumalat ang balitang ito tungkol sa kanya, sa buong lupain ng mga Judio, at sa lahat na karatig na lupain.
Pagninilay:
Nilingap ng Diyos ang kanyang bayan. Ayon kay Pope Francis, tatlong bagay ang ibig sabihin ng paglingap. Ito ang kalapit, habag, at pagpapanumbalik ng pag-asa. May tampok itong kahulugan. Ibig sabihin, God is present in a special way. Alam kong marami sa atin ang nakaka-relate sa Mabuting Balita sa atin ngayon. Ilan na ring mga ina ang tumatangis dahil namatay ang kanilang anak. Maaaring pisikal na mawalan ng buhay o ikalawa, ang nalulugmok sa masama na ibang-iba na sa dating masayahin at maliksi na kabataan. Ramdam ko ang sikip ng dibdib ng mga ina. Hindi po kayo nalalayo sa pagtangis ng ating Inang si Maria nang nasaksihan niya ang pagkamatay sa krus ng kanyang Anak. Tinatawag ko rin ang atensyon ng mga kabataaan, ATM, if you are carrying a heavy burden. Hashtag, kung nawawalan na kayo ng vitality, ng sigla; kung nahuhulog na ang inyong pangarap, kung tumitigil na ang inyong enthusiasm, ang inyong pagkamasigasig; kung lumulubog na ang inyong pag-asa, at tinatamad na kayong magbigay, nakatindig si Jesus Maestro sa inyong harapan gaya nang ginawa Niya sa batang lalaki na taga- Nain. Matibay ang tinig Niya na nagsasabing: “Young man, stand up.” Bumangon! Young lady, arise!” Huwag sayangin ang iyong pagiging kabataan. Iwagayway ang iyong pagiging ikaw. Madami kang gifts mula kay Lord. Remember, ayon kay Pope Francis, kayong kabataan ang “Ngayon ng ating Simbahan”?. Habang bumabangon, magfocus din tayo sa dahilan. Ano ba ang nangyari? Pwede mong i-private message sa amin. Ikwento mo. Sa palagay mo, ano ang cause ng iyong panghihina? Ano ang ginawa mo so far para ma-improve ang situasyon na kinakakaharap mo ngayon? Ano ang pangarap mo sa iyong sarili, sa iyong pamilya, sa ating Simbahan? Ano ang mga strengths at talents mo para makalakad ka habang bumabangon ka ngayon? I-share mo. Makikinig kami. Habang pinag-iisipan mo ito, huwag mong bibitiwan ang naririnig mong tinig ni Jesus:” Bumangon ka!” Sa pagbigkas nito ni Jesus, nililingap ka Niya. Narito Siya, ispesyal ang pagdalaw Niya sa iyo. Kalapit mo Siya, dala ang habag, at inaangat ang iyong pag-asa. Inaabot Niya ang Kanyang puso hindi lang ang kamay. Binibigyan ka Niya ng panibagong buhay. Umasa ka. Sasamahan ka rin namin. Kami ang iyong mga kaakbay at kalakbay.
-SR. GEMMA DELA CRUZ, FSP
By Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province5
11 ratings