Sign up to save your podcasts
Or

MABUTING BALITA l SETYEMBRE 15, 2022 – HUWEBES
Ika – 24 na LINGGO sa Karaniwang Panahon
Ebanghelyo: Jn 19:25-27
Nangakatayo sa tabi ng krus ni Hesus ang kanyang ina at ang kapatid na babae ng ina niya, si Mariang asawa ni Cleofas at si Maria Magdalena. Kaya pagkakita ni Hesus sa ina at sa kanyang mahal na alagad na nakatayo sa tabi, sinabi niya sa ina: “Babae, hayan ang anak mo!” Pagkatapos ay sinabi naman niya sa alagad: “Hayan ang iyong ina.” At mula sa oras na iyo’y tinanggap siya ng alagad sa kanila.
Pagninilay
Ipinagdiriwang natin ngayon ang Kapistahan ng Ina ng Hapis (Mater Dolorosa) o Our Lady of Sorrows. Pasalamatan natin ang Panginoon na sa kabila ng pagsubok at pighati na ating pinagdaanan, buhay pa rin tayo at nabubuhay sa pag-ibig ng Diyos. Remember that there is Joy in every sorrow. Bilang kasapi ng Marian Missionaries of the Holy Cross, HUGOT namin , "There is Joy in the Cross." May ligaya sa Krus! Naniniwala rin ako na sa bawat pagsubok, sumisibol ang bagong pag-asa. Nagkakaroon ng mas malalim na kahulugan ang hirap at sakit (sorrows/ hapis ) dahil kasama natin si Jesus at ang Mahal na Birheng Maria. Maging sa buhay ng Mahal na Ina, matatag siyang tumayo sa paanan ng Krus. Malaya niyang niyakap ang kanyang mga hapis. Nagkaroon siya ng malalim na pananampalataya dahil naniwala siya sa kalooban ng Diyos. Napakasakit para kay Maria na makita si Kristo na nakabayubay sa krus at namatay. Matinding sakit para sa kanya na masaksihan ang anak na naghihirap. Gayunpaman, bukas sa kanyang kalooban na tinanggap ang sakripisyong ito bilang pakikiisa para sa kaligtasan ng sanlibutan. Kaya maharap man tayo sa anumang hirap, magalak at magdiwang pa rin tayo. Sapagkat naging daan ito para ipakita ng Diyos ang kanyang pag-ibig—tapat ito at nanatili magpakailanman. Pag-ibig na hindi nagsasawa at walang pinipili. Tandaan natin sa kabila ng pagsubok, hapis at pighati sa buhay, mayroon pa ring pag-asa at ligaya. Winika ni Juan Pablo, Ikalawa: “Naging saksi si Maria nang pananampalatayang Sa paanan John Paul said," At the foot of the Cross, Mary shares through faith in the shocking mystery of this self-emptying." This is perhaps the deepest 'kenosis' of faith in human history. " (Redemptoris Mater 18). Ito rin ang gustong ipahiwatag ng ating ebanghelyo na si Maria naging pinakadakila at pinakatapat na tagasunod ni Kristo. Tularan natin si Maria na punong-puno ng pag-asa. Pag-asa na nagdulot sa kanya ng ligaya kahit sa gitna ng pagdadalamhati. Manatili tayo sa pag-ibig ng Diyos at maging saksi: May ligaya sa Krus, Ipadama ang pag-asa kasama ang Mahal na Birheng Maria!
-FR. ALOYSUIS MARIA MORAGA, Marian Missionaries of the Holy Cross
By Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province5
11 ratings