PAULINES

MABUTING BALITA l SETYEMBRE 16, 2022 – BIYERNES


Listen Later

MABUTING BALITA l SETYEMBRE 16, 2022 – BIYERNES

Ika – 24 na LINGGO sa Karaniwang Panahon



Ebanghelyo: Lc 8:1-3

Naglibot si Hesus sa bawat lunsod at bayan na nangangaral at ibinabalita ang Kaharian ng Diyos. Kasama niya ang Labindalawa at ilang mga babae na pinagaling sa masasamang espiritu at mga karamdaman: si Maria na tinaguriang Magdalena, na nilisan ng pitong demonyo, si Juana na asawa ni Kusa na katiwala ni Herodes, at si Susana at iba pang naglilingkod sa kanila mula sa kanilang kaya.

Pagninilay:

Namimili ka ba ng mga tao sa paligid mo? Ikaw ba ay isang “choosy”? kung gayon para sa iyo ang mensahe ng pagkakapantay-pantay na ibinibahagi ni Hesus sa ebanghelyo ngayon. Madalas nating naririning sa ebanghelyo ang pangalan ng mga kalalakihan na tinawag at pinili ni Hesus, at bibihira ang pagbibigay diin sa mga pangalan ng mga kababaihan na naging mahalagang bahagi sa ministeryo ni Hesus. Ngayong araw inilalahad sa ebanghelyo na pantay-pantay ang lahat sa paningin ng Diyos, lahat ay may kakayahang mag-alay ng sarili at panahon sa pagpapalaganap ng balita ng kaligtasan. Lahat ay dapat kabahagi sa pagpapalaganap ng balita ng kaligtasan. Hindi mapali ang Diyos sa mga taong nasa paligid niya, ngunit pinili sila upang maging kabahagi at kasama- dahil lahat ay kabilang sa paghahari ng Diyos. Sa konteksto ng kasalukuyang panahon tayo ay hinahamon ng ebanghelyo na makibahagi sa pagpapalaganap ng Mabuting balita na walang pinipiling kasarian ang bawat isa ay may bahaging dapat gampanan sa loob ng Simbahan at sa pamayanan dahil walang isinasantabi ang paghahari ng Diyos. Sa sulat ni san Pablo sa mga taga Corinto, hinihikayat niya na maging mga buhay na saksi ng muling pagkabuhay ni Kristo ang mga ito, binibigyang diin ni San Pablo ang kahalagahan ng muling pagkabuhay ni Kristo –dahil ang pagkabuhay na Muli ni Hesus ay nangangahulugan ng katuparan ng pangako ng pagliligtas ni Hesus. Kung hindi tayo maniniwala Malaki ang mawawala sa buhay natin, ang atas ng pag-ibig ay dapat ibahagi sa iba- dapat ay kabahagi tayo sa kaligtasan ng lahat. Kagaya ni Hesus sa ating paglalakbay sa buhay may mga tao din tayong makakasama upang tumulong at maglaan ng yaman, talino at lakas para sa pagtupad natin ng ating misyon. Ang paglilingkod sa Diyos at kapwa ay bokasyon na bukas para sa lahat ng kasarian. Nawa’y maging tapat tayong mga tagapagbahagi ng mapagpanibagong pagmamahal ng Diyos at maging daluyan tayo ng kanyang mga biyaya.

- NOV. MIKO DELA CRUZ, SSP

...more
View all episodesView all episodes
Download on the App Store

PAULINESBy Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province

  • 5
  • 5
  • 5
  • 5
  • 5

5

1 ratings