PAULINES

MABUTING BALITA l SETYEMBRE 19, 2022 - LUNES


Listen Later

MABUTING BALITA l SETYEMBRE 19, 2022 - LUNES

Ika – 25 na LINGGO sa Karaniwang Panahon



Ebanghelyo: Lk 8: 16-18

Sinabi ni Hesus sa mga tao: “Walang nagsisindi ng ilawan at tinatakpan ito ng palayok, o inilalagay sa ilalim ng higaan. Ipinapatong ito sa patungan para makita ng mga pumapasok ang liwanag. Walang nalilihim na di mabubunyag, di natatakpan at di mahahayag at malalantad. Kaya’t isip-isipin ninyo ang inyong naririnig dahil bibigyan pa nga ang mayroon at ang walang-wala naman kahit na ang akala n’yang kanya ay aagawin sa kanya.

Pagninilay:

Ayon sa isang kanta, “kung ‘di ako nagmamahal, sino ako?” Totoo naman, kalakip sa pagkakakilanlan ng isang Kristiyano ang pagiging mapagmahal. Ngunit kapag ang pagkakakilanlan natin bilang Kristiyano ay ating ikukubli, itatago at pababayaan ang kaakibat na tungkulin nito, magiging sino ba tayo? Ating narinig sa Mabuting Balita ngayon ang tatlong mga kasabihan na mga babala sa pag-uugali ng buhay, na pwede na ring palawagin sa pag-uugaling at pagkakakilalang Kristiyano. Ang unang kasabihan ay nagpapakita ng kahalagahan sa pagpapakita at pagsasabuhay ng ating pagiging mga tagasunod ni Kristo. Madalas, ang buhay Kristiyano ay nauugnay sa pagiging liwanag ng sanlibutan, kaya’t nangangahulugan ito na kailangan nating magliwanag sa mundong madilim sa pamamagitan ng ating isip, salita, at ginagawa para sa ating kapwa. Kaakibat rin nito ang pangangailangan mamuhay ng isang ganap na Kristiyano na naaayon sa mga turo ni Kristo, ang Dakilang Guro. Ngunit kadasalan, may mga panahong hindi nating naisasabuhay ang mga pamantayan ng pagiging Kristiyano, at sa halip na ipagmalaki natin ang ating pagiging Kristiyano, atin itong ikinukubli, pagkat mas gusto nating mabuhay bilang makamundong mamamayan. Dito pumapasok ang ikalawang paalala ni Hesus: na walang bagay na ating ikinukubli ang hindi mabubunyag. May tatlong pananaw na pwede nating tignan sa pagtago ng sekreto. Una, ay maihahalintulad natin sa patuloy nating pagpapaka-alipin sa kasalanan; pinikit natin ang ating mga mata sa mga gawaing nating alam natin ang kahihinatnan. Pangalawa, may mga tinatago tayo mula sa ating kapwa-tao na lumalabas ng kusa tulad ng sama ng loob, galit, at kahit poot. At ang panghuli, ay ang mga bagay o kasalanan na pilit nating tinatago sa Diyos, kahit na alam nating na “Siya ay Diyos na nakakakita.” Dito pumapasok ang pangatlong paalala, na kung sino mayroon, ay mas may ibibigay sa kanya; at doon sa wala, ay ang kakarampot na meron siya ay kukunin sa kanya. Tayong mga Kristyano ay makikilala sa ating gawa, sa hindi pagkukubli, at sa pamumuhay naaayon sa biyayang tinanggap.

-Nov. Anjon Fredrick C. Mamunta ng Society of Saint Paul

...more
View all episodesView all episodes
Download on the App Store

PAULINESBy Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province

  • 5
  • 5
  • 5
  • 5
  • 5

5

1 ratings