PAULINES

MABUTING BALITA l SETYEMBRE 2, 2022 – BIYERNES


Listen Later

MABUTING BALITA l SETYEMBRE 2, 2022 – BIYERNES

Ika – 22 na LINGGO sa Karaniwang Panahon



Ebanghelyo: Lc 5:33-39

Sinabi ng mga Pariseo at mga guro ng Batas kay Hesus: “Madalas mag-ayuno at may mga panalangin ang mga alagad ni Juan, at gayon din naman ang mga alagad ng mga Pariseo; kumakain naman at umiinom ang mga iyo.” Kaya sinabi ni Hesus sa kanila: “Hindi ninyo mapag-aayuno ang mga abay sa kasalan habang kasama pa nila ang nobyo, di ba? Ngunit darating ang panahon na aagawin sa kanila ang nobyo at sa araw na iyon sila mag-aayuno.” Sinabi pa ni Hesus sa kanila ang isang talinhaga: “Walang pumuputol ng panagpi mula sa bagong damit at itinatagpi sa lumang damit. Kung hindi’y napupunit na ang bago at hindi pa magiging bagay sa lumang damit ang tagping mula sa bago. At wala ring naglalagay ng bagong alak sa mga lumang sisidlan. Kung hindi’y sisirain ng bagong alak ang mga lumang sisidlan kaya matatapon ang alak at masisira pati mga sisidlan. Sa halip ay sa mga bagong sisidlan dapat ilagay ang bagong alak. Hindi naman humihingi ng bagong alak ang umiinom ng luma, sinasabi nga niya: ‘Ang luma ang siyang mabuti.’”

Pagninilay:

Kung titingnan natin sa ating buhay, madalas kung ano ang ating nakasanayan at kinalakihan yun ang ating sinusunod, dahil ito ay mas madali at ito ang mas alam natin. Hindi naman masama ang nakasanayan basta ang nakasanayan ay hindi masama. At hindi magiging masama ang pagsunod sa nakasanayan kung bukas tayo sa kaisipan na pwedeng baguhin kung ano ang nakasanayan. Sa ating ebanghelyo ngayon, ipinapakita kung paano ni Hesus binago ang nakasanayan. Nagulat at nagtanong ang mga Pariseo at mga iilan kung bakit hindi nag-aayuno ang mga taga-sunod ni Hesus samantalang sila at ang mga alagad ni Juan ay nag-aayuno. Mapapansin din natin na sa buhay ni Hesus, maraming mga pagkakataon na hindi sinunod ni Hesus na gawin ang mga bagay-bagay sa kanilang pamamaraan kundi ginawa ito ni Hesus sa kaniyang pamamaraan. Si Hesus bilang katuparan ng batas, ay nagpahayag sa makabagong pamamaraan ngunit hindi siya naiintindihan ng iba dahil nakatuon pa rin sila sa kung ano ang kanilang nakasanayan. Ngayon, tayo ay inaanyayahan na maging bukas sa pagbabago. Hindi porket yun na ang nakasanayanan ay hanggang doon na lamang. Maraming pagkakataon na mas nakakatulong ang makabagong pamamaraan kaysa sa dating nakasanayan.

Sem. Jiggy Joson, Mission Society of the Philippines

...more
View all episodesView all episodes
Download on the App Store

PAULINESBy Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province

  • 5
  • 5
  • 5
  • 5
  • 5

5

1 ratings