PAULINES

MABUTING BALITA l SETYEMBRE 23, 2022 – BIYERNES


Listen Later

MABUTING BALITA l SETYEMBRE 23, 2022 – BIYERNES

Ika – 25 na LINGGO sa Karaniwang Panahon



Ebanghelyo: Lc 9:18-22

Minsan, mag-isang nagdarasal si Hesus at naroon din ang mga alagad. Tinanong niya sila: “Sino raw ako ayon sa sabi ng mga tao?” “Si Juan Bautista raw. May iba namang nagsasabing ikaw si Elias. At may iba pang nagsasabi na isang propeta noong una ang nabuhay.” “Ano naman ang sinasabi ninyo kung sino ako?” Sumagot si Pedro: “Ang Mesiyas ng Diyos.” At inutusan sila ni Hesus na huwag sabihin ito kanino man. Sinabi nga ni Hesus: “Kailangang magtiis ng marami ang Anak ng Tao. Itatakwil nga siya ng mga Matatanda ng bayan, ng mga Punong-pari at ng mga guro ng Batas. Papatayin siya at muling babangon sa ikatlong araw.”

Pagninilay:

Naaalala ko may isa akong kaibigan na lumapit sa akin at nagmarites “Uy alam mo ba si ano, may bagong chika sa kanya.” Syempre ako naman nakimarites na rin at kung ano ano ang nasabi sa taong ito. Palibhasa kilala namin ang taong ito kaya may nasasabi siya sa kanya. Ngunit hindi natapos sa pakikimarites dahil sinabi ko rin na hindi rin naman perpekto ang tao at hindi dapat na pag usapan at ipagdasal ang kapatid na ito. Napapaisip nga ako, kung ang mga tao ay may nasasabi sa kapwa nila? Si Hesus kaya? Kaya rin bang ipahayag ng tao sa iba? Sino kaya si Hesus sa kanila? Sa ating ebanghelyo ipinahayag ni Pedro na si Hesus ay Mesiyas. Sa ating buhay, ipinahahayag din ba natin na si Hesus ang Mesiyas? Ano ang ginagawa natin sa ating kapwa bilang simbulo ng pagmamahal natin kay Hesus? Dahil ang ating ginagawa sa ating kapwa ay ginagawa na rin natin sa ating Panginoon. Nasa sa atin kung paano natin ipinapahayag si Hesus sa pagsasabuhay ng Kanyang mga salita.

- Tom Banton – Seminarian, Diocese of Antipolo

...more
View all episodesView all episodes
Download on the App Store

PAULINESBy Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province

  • 5
  • 5
  • 5
  • 5
  • 5

5

1 ratings