Sign up to save your podcasts
Or

MABUTING BALITA l SETYEMBRE 24, 2022 – SABADO
Ika – 25 na LINGGO sa Karaniwang Panahon
Ebanghelyo: Lc 9:43b-45
Nang lubos na nagtataka ang lahat dahil sa mga ginagawa ni Hesus, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: “Itanim ninyong mabuti sa inyong pandinig ang mga kataga kong ito: Ibibigay ang Anak ng Tao sa kamay ng mga tao.” Hindi nila naintindihan ang pahayag na ito at nalingid ito sa kanila upang hindi nila maunawaan. At takot naman silang magtanong sa kanya tungkol sa pahayag na ito.
Pagninilay:
Naranasan mo nabang ipagkanulo? Marahil isa ito sa pinakamasakit na karanasan lalo na kung mararanasan mo ito mula sa iyong pamilya o malapit na kaibigan. Sa ebanghelyo ngayon, natunghayan natin ang pangalawang beses na pagsasabi ni Hesus ng kanyang haharaping pagdurusa sa krus. Ginawa niya ito habang ang lahat ay nagdiriwang at nahihiwagaan pa sa mga himala na ginawa niya gaya ng pagpapagaling sa may sakit, sa gitna ng unti-unti pagiging tanyag ng kayang grupo. Sa paraang ito pinipilit na Hesus na ipaunawa sa mga alagad ang kahalagahan ng sakripisyong kanyang gagawin ngunit nananatili paring sarado ang kanilang isipan sa realidad ng Krus. Sa unti-unting pagpapaliwanag ni Hesus ng misteryo ng pagliligtas ninanais niya na mas mapalalim pa ang kaugnayan sa kanya ng mga alagad. Sa buhay nang tao, madalas nabubulag tayo ng pansamatalang saya o nabibingi sa realidad ng hirap ng buhay na kaakibat ng katanyagan at yaman. Hinahamon tayo ng ebanghelyo na maging bukas sa pagsasakripisyo at pag-aalay ng sarili para sa kaharian ng Diyos. Ang pagiging Kristiyano ay nangangahulugan ng araw-araw na pagpapasan ng Krus, ng pamilya, kaibigan, ng bayan, pangarap – dahil bawat krus ay may kalakip na tagumpay. Ang bawat paghihirap ay magiging makabuluhan kapag ito ay iniaalay para sa Diyos at Kapwa. Hinahamon tayo ni Hesus na sumunod sa kanya at makibahagi sa pagpasan ng krus na magliligtas sa bawat isang nananalig at sumasampalataya –may gantimpalang walang hanggang buhay para sa may bukas na puso. Halikana at sundan si Hesus, at maging tapat na alagad hanggang sa huli.
-BRO. MIKO DELA CRUZ, SSP
By Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province5
11 ratings