Sign up to save your podcasts
Or

MABUTING BALITA l SETYEMBRE 25, 2022 – LINGGO
Ika – 26 na LINGGO sa Karaniwang Panahon
Ebanghelyo: Lc 16:19-31
Sinabi ni Hesus sa mga Pariseo: “May isang mayaman na nakabihis ng magarang damit at pinong linen at parang piesta ang kanyang buhay araw-araw. Nakahandusay naman sa may pintuan n’ya ang isang dukhang nagngangalang Lazaro. Tadtad s’ya ng sugat at gusto sana n’yang kanin ang mumong nahuhulog sa hapag ng mayaman; sa halip ay mga aso ang lumalapit sa kanya at hinihimuran ang kanyang sugat. At namatay ang dukha at dinala s’ya ng mga anghel sa piling ni Abraham. Namatay din ang mayaman at inilibing. Nang nasa impiyerno na s’ya tumingala s’ya sa kanyang pagdurusa at natanaw sa malayo si Abraham at si Lazaro sa piling nito. Kaya’t sumigaw siya: 'Amang Abraham, maawa ka sa akin at utusan mo naman si Lazaro na isawsaw n’ya sa tubig ang dulo ng kanyang daliri at paginhawahin ang aking dila dahil lubha akong naghihirap sa lagablab na ito.' 'Anak, alalahanin mong tinanggap mo na sa buhay mo ang mabuti sa iyo at kay Lazaro naman ang masasama. Kaya s’ya ngayon ang nasa ginhawa at ikaw ang nagdurusa. At isa pa'y malawak na bangin ang hindi matatawid ang itinakda sa pagitan natin. Kaya hindi makatatawid ang mga may gustong pumunta riyan galing dito at hindi rin naman makatatawid ang mula riyan papunta rito.' 'Kaya ipinakikiusap ko sa iyo, Ama, na papuntahin mo si Lazaro sa bahay ng aking ama, kung saan naroon ang lima kong kapatid para babalaan sila upang di sila mapunta sa lugar na ito ng pagdurusa.' 'Nasa kanila si Moises at ang Mga Propeta, makinig sila sa mga ito.' 'Hindi gayon, Amang Abraham; kung isa sa mga patay ang pupunta sa kanila, magsisisi sila.' 'Kung hindi nila pakikinggan si Moises at ang Mga Propeta, hindi pa rin sila maniniwala bumangon man ang isa sa mga patay.'”
Pagninilay:
Dalawang tagpo ang ipinakita sa atin sa ebanghelyo. Una, ang maranyang pamumuhay ng isang mayaman na may magarang kasuotan, masarap na mga pagkain at inumin, at malaking bahay. Sa harap ng bahay naroon si Lazaro, isang pulubi na nag-aabang ng mumo mula sa mesa ng mayaman. May mga sugat si Lazaro at dinidilaan iyon ng isang aso na nakakapagbigay sa kanya ng kaunting ginhawa. Ang ikalawang tagpo ay sa kabilang buhay kung saan tinatamasa ni Lazaro ang buhay sa piling ni Abraham at ng mga banal. Mula sa lugar na iyon, nasilip ng mayamang lalaki ang magandang kinahinatnan ni Lazaro habang siya ay nagtitiis ng init ng apoy sa Hades. Nakiusap ang mayaman na utusan si Lazaro na isawsaw sa tubig ang dulo ng kanyang daliri at palamigin ang kanyang dila. Nang namuhay nang marangya ang mayamang lalaki, hindi niya kilala si Lazaro kahit naroon ito sa daanan ng kanyang bahay. Malaki ang nagging pagitan nila sa isa’t isa, at ang pagitang iyon ang dala nila sa kabilang buhay. Hindi naman masamang tao ang mayamang lalaki. Hindi niya itinaboy si Lazaro, hindi niya nilait. Ngunit nagkamali siya dahil wala siya ano mang ginawa para kay Lazaro at tumutok lamang siya sa kanyang sarili. Marahil, sa kabilang buhay, hindi lamang babalikan ang mga masasamang bagay na hindi natin dapat ginawa, ngunit titingnan din ang mga mabubuting bagay na maari sana nating ginawa para sa ating kapwa ngunit nabigo tayong gawin.
-FR. PAUL MARQUEZ, SSP
By Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province5
11 ratings