PAULINES

MABUTING BALITA l SETYEMBRE 26, 2022 – LUNES


Listen Later

MABUTING BALITA l SETYEMBRE 26, 2022 – LUNES

Ika – 26 na LINGGO sa Karaniwang Panahon



Ebanghelyo: Lc 9:46-50

Nangyari na ikinabahala ng mga alagad kung sino nga kaya sa kanila ang pinakadakila. Alam ni Hesus ang pinagtatalunan nila sa kanilang isipan kaya kumuha siya ng isang bata at pinatayo sa tabi nila. At sinabi niya sa kanila: “Tumatanggap sa akin ang tumatanggap sa batang ito sa ngalan ko, at tumatanggap sa nagsugo sa akin ang tumatanggap sa akin. At isa pa: ang matagpuang pinakamaliit sa inyong lahat ang siyang dakila.” At nagsalita si Juan: “Guro, may nakita kaming nagpapalayas ng demonyo sa ngalan mo. Pero pinagbawalan namin siya dahil hindi siya sumusunod na kasama namin.” Ngunit sinabi ni Hesus sa kanya: “Huwag ninyo siyang pagbawalan dahil panig sa inyo ang hindi laban sa inyo.”

Pagninilay:

Mahilig tayo sa mga biruan ng kung sino ang pinakadakila sa ating mga ninuno. Madalas itong mga biruan na ito ay nagpapakita ng pagmamalaki sa mga nagawa ng ating mga ninuno, kung saan may pagka-exaggerated ang mga nagawa nila. Sa Mabuting Balita ngayon, mukhang hindi naging ligtas ang mga alagad ni Hesus sa mga ganitong pataasan ng ihi. Hindi pa rin naintindihan ng mga alagad ni Hesus na ang kaharian Niya ay hindi isang makamundong paghahari, kaya sila ay nagkaroon ng pagmamatuwiran kung sino sa kanila ang pinakadakila. Malamang sa malamang, may tatlong maling motibo ang mga alagad ni Hesus sa kanilang paglilingkod: ang kagustuhan ng pagkilala, kagustuhan ng puwesto, at ang kagustuhan ng katanyagan. Ano ba ang mali sa kagustuhan ng pagkilala? Madalas naglilingkod tayo upang maging kilala ng mga tao. Kung tayo lamang ay nagliligkod para sa Diyos, ang pagkilala ay hindi na natin maiisip; alam nating ang ating kaya ay sapat na para sa kanya. Kapag sa ating paglingkod naman ay titignan ang pwestong naibigay bilang isang privilege, dapat itong tignan bilang responsibilidad; ang pagkakalagay sa pwesto ay paghihiwalay sa paglilingkod, hindi isang promotion. Sa huli, ang kagustuhan ng katanyagan ay ang paglilingkod ay para bagang pakitang tao lamang na nagliligkod lamang dahil pinasasalamatan at pinupuri siya sa paglilingkod niya. Kaya, ano ba ang naging sagot ni Hesus kung sino ang pinakadakila? Ang pinakadakila ang kung sino ang walang kadaki-dakila sa mata ng mundo, tulad ng batang inakay ni Hesus sa tabi niya. Hindi rin nararapat na dakilain natin ang ating mga sarili, dapatwat kailangan rin nating tignan ang iba na ating mga kapwa manggagawa sa ubasan na tumutulong sa atin, at hindi natin mga katunggali.

-NOV. Anjon Fredrick Mamunta, SSP

...more
View all episodesView all episodes
Download on the App Store

PAULINESBy Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province

  • 5
  • 5
  • 5
  • 5
  • 5

5

1 ratings