Sign up to save your podcasts
Or

MABUTING BALITA l SETYEMBRE 27, 2022 – MARTES
Ika – 26 na LINGGO sa Karaniwang Panahon
Ebanghelyo: Lk 9: 51-56
Nang papalapit na ang panahon ng pag-aakyat sa kanya, tahasang ipinasya ni Hesus na pumunta sa Jerusalem. Nagpadala s’ya ng mga sugo upang mauna sa kanya at pumasok sila sa nayon ng mga Samaritano para ihanda ang kanyang matutuluyan. Ngunit ayaw nila siyang tanggapin dahil papunta s’ya sa Jerusalem. Kaya sinabi sa kanya ng kanyang mga alagad na sina Jaime at Juan: “Panginoon, gusto mo bang tumawag kami ng apoy na babagsak mula sa Langit para puksain sila?” Lumingon si Hesus at pinagwikaan sila at sa ibang bayan sila nagpunta.
Pagninilay:
NO ENTRY. Kapanalig, saan ba natin nakikita ang sign na “no entry”? Kulay pula na pahalang ‘yon. Lalo na ang mga drivers, alam nila na notisya ‘yon na huwag papasok, o walang dadaan sa area na ‘yun. Yan ang polisiya ng mga Samaritano sa mga hudyo lalo na’t papunta sila sa Jerusalem. Sa Mabuting Balita ngayon, they blocked the way for Jesus. Hindi man nila alam ang intensyon ni Jesus na naghahanda sa ganap na pag-aalay ng sarili sa Jersulaem, basta may NO ENTRY POLICY sila para sa mga Hudyo. Kaya sumakabilang nayon sina Hesus para doon dumaan. Naalala ko ang opening reflection ni Bishop Ambo David para sa National Synodal Consultation na ginanap sa Tagaytay noong July. Bukod sa mga Obispo, mayroon din na mga pari, mga madre at ibang laiko. Bagamat inaddress ni Bishop Ambo ang pagninilay niya sa mga participants ng Synodal Consultation, nakatuondin ang message para sa ating lahat. Hinay-light ni Bishop ang pagiging CAMINANTE ng bawat isa sa atin. Mga travelers daw tayo, mga manlalakbay. Hiniram niya ang sinabi ni Antonio Machado na isang Spanish poet: “Caminante no hay camino, se hace camino al andar.” “Traveler, there are no roadways, you make the road as you travel along.” Manlalakbay, walang daanan, ginagawa mo ang daan habang naglalakbay ka. Totoo naman, di ba kapag may fork road, tapos walang indication kung saan ang tamang daan, susubok tayo sa isang daan. Sa pagblock ng mga Samaritano sa ating Jesus Maestro, kasama ang magkapatid na si James and John, hindi iyon big deal sa Kanya. “Okay, fine! Hanap tayo ng ibang daan”. Ganyan sa Synodality. Tungkol ito sa mapangahas na gumawa ng isang paraan kung saan tila wala. Sabi ni Bishop Ambo: Where there is no path, we make the path. Kung tutuusin daw, hindi raw ito tungkol sa atin na naglalakbay kasama ang Diyos kundi ang Diyos na naglalakbay kasama tayo. Kaya naman pinagsabihan niJesus Maestro si Juan at Jaime. Hindi kailangang pugnawin ng apoy ang humahadlang sa kanila. Ang mahalaga, kasama nila sila sa makahulugang paglalakbay. Di ba, “God will make a way, when there seems to be no way?” Habang umaasa tayo sa ating Panginoon sa paglalakbay bilang Simbahan, bilang Bayan, hayaan nating matagpuan ang Kanyang ang mga kahanga-hangang gawa. Hilingin din natin na magkaroon tayo ng mata ng pananampalataya, habang kalakbay Niya, kahit maraming sàkit o unexpected problems, may matutunghayan tayo na ibang perspektibo para tayo lumago bilang tao, bilang Simbahan, bilang Bayan.
-SR. GEMMA DELA CRUZ, FSP
By Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province5
11 ratings