Sign up to save your podcasts
Or

MABUTING BALITA l SETYEMBRE 28, 2022 – MIYERKULES
Ika – 26 na LINGGO sa Karaniwang Panahon
Ebanghelyo: Lk 9: 57- 62
Habang naglalakad si Hesus at ang kanyang mga alagad, may nagsabi kay Hesus: “Susunod ako sayo saan ka man pumunta”. “May lungga ang mga pusang-gubat at may mga pugad naman ang mga ibon. Ang anak ng tao’y nama’y wala man lang mahiligan ng kanyang ulo” at sinabi naman niya sa isa “Sumunod ka sa akin.” Pauwiin mo ako para mailibing ko muna ang aking ama”. “Hayaan mong ilibing ng mga patay ang kanilang mga patay. Humayo ka naman at ipangaral ang kagarian ng Diyos.” Susunod ako sayo panginoon peru pauwiin mo muna ako para makapagpaalam sa aking mga kasambahay.” “Hindi bagay sa kaharian ang Diyos ang humahawak ng araro at pagkatapos ay lumilingon sa likuran.
Pagninilay:
Sabi po sa kasabihan sa sa salitang ingles: “Say what you mean and mean what you say.” Sa madaling sabi, dapat may paninindigan ka. Hindi ka wishy washi, paiba-iba. Yung mga taong pa-iba-iba mahirap kausapan, nakakapagod kausap. Sa ating Ebanghelyo ganoon ho ang nangyari kay Hesus. Sabi ng isa “Lord kahit saan ka magpunta, susundan kita!” Ang isa namang taga-sunod niya, “Lord, susunod ako pero wait may gagawin muna…” Ang isa naman “Lord, susunod ako, pero, magpapaalam muna ako.” Hindi po madali sumunod kay Hesus. Sa parehong daan—sa daan ng Krus—kasabay mo siyang tatahak. Kaya naman anumang bigat ng bawat suliranin, kung handa mo itong ialay sa kanya, gagaan, magiging makabuluhan…kaya naman ang tawag natin doon SAKRIPISYO. Isang bagay na mahirap gawin, pero alam mong hindi para sa wala, may katuturan, kahihinatnan, at kabuluhan. Ipinagdiriwang po natin ngayon ang paggunita sa unang Santong Pilipino at Siya po’y martir—si San Lorenzo Ruiz de Manila. Isang simpleng lalaki at katekista. Siya’y pinatay sa bansang Japan. Siya’y martir ng simbahan dahil alam niya na sa pagsunod kay Hesus kailangan mong manindigan at magsakripisyo. Sapagkat, anuman ang maging ending, alam mong magiging makabuluhan. San Lorenzo, tulungan mo kami sa kagustuhan naming makasunod kay Hesus, tulad ng pagsunod mo may panindigan, hindi takot sa sakripisyo—panatag dahil alam mong hindi ka pababayaan ng Diyos. Amen. Bro. Vinz
By Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province5
11 ratings