PAULINES

MABUTING BALITA l SETYEMBRE 29, 2022 – HUWEBES


Listen Later

MABUTING BALITA l SETYEMBRE 29, 2022 – HUWEBES

Ika – 26 na LINGGO sa Karaniwang Panahon



Ebanghelyo: Jn 1:47-51

Nakita ni Hesus na palapit sa kanya si Natanael at sinabi niya tungkol sa kanya: “Hayan ang tunay na Israelitang walang pagkukunwari.” “Paano mo ako nakilala?” “Bago pa man tawagin ni Felipe, habang nasa ilalim ka ng puno ng igos, nakita na kita.” “Rabbi, ikaw ang Anak ng Diyos, ikaw ang Hari ng Israel.” “Sinabi ko lang sa iyong nakita kita sa ilalim ng puno ng igos, at naniniwala ka na? Higit pa sa mga ito ang makikita mo. Talagang sinasabi ko sa inyo, makikita ninyong nakabukas ang Langit at panhik-panaog sa Anak ng Tao ang mga anghel ng Diyos.”

Pagninilay:

Mahilig ka ba mag-online shopping ng mga damit at gamit sa bahay o kaya nama’y mag food delivery pang merienda? Sigurado akong naranasan na ninyong magpadeliver lalo ngayong pandemya. Talagang usong-uso ang pagpapadala ng mga gamit, damit, pagkain sa ating bahay. Hayaan ninyong bigyang focus natin ang isang bahagi ng proseso ng pagpapadala: ang mga nagdedeliver. Hindi matatawaran ang sipag at determinasyon ng marami nating mga kababayang delivery riders. Sila ang secret weapon at nagsilbing tagapagdala ng mesahe at tulay ng pag-asa sa isang panahong halos lahat ay hindi makalabas ng kanilang mga bahay. Salamat sa kanilang pagtugon sa responsibilidad at matapat na paglilingkod, nakarating ang ating mga pangangailangan mula sa ating mga pinagbilhan, maging sa mga nagpapadala at nagbibigay tulong o biyaya. Sa isang natatanging paraan, sa araw na ito, pinararangalan ng simbahan ang masasabi nating mga “delivery agents” o tagapagdala ng mensahe ng Diyos sa atin: sina Arkanghel Miguel, Rafael at Gabriel. Natatangi ang kanilang ginampanang papel sa kasaysayan ng ating kaligtasan. Ipinapaalala nila sa pamamagitan ng kanilang mahahalagang gampanin kung sino ang Diyos para sa atin. Taglay ng kanilang pangalan ang bawat paalala. Una, nagpapagaling ang Diyos (Rafael), gaya sa kalagayan ni Tobit o sa ano pa mang ating karamdaman, tandaan nagpapagaling ang Diyos. Ikalawa na ang Diyos ang aking lakas (Gabriel). Kasama ng pagtangggap ng mensahe mula sa Diyos, tiyak na nakatatanggap tayo ng panibagong lakas upang maganap ang Kanyang mga Salita. At ikatlo ang tanong na Sino ang tulad ng Diyos? (Michael) upang pagnilayan at isapuso’t isip na natatangi at iisa lamang ang Diyos sa ating buhay. Sa ating paggunita sa mga arkanghel, magpasalamat tayo sa kanilang katapatan bilang mga tagapagdala. Gayundi, lagi nating alalahanin ang nagpadala, ang kanilang pinagmulan: Ang Diyos. Siya ang ating matatag na sandigan, tanglaw ng pag-asa at higit sa lahat bukal ng umaapaw na awa at pagmamahal. Amen.

-BRO. BUEN ANDREW CRUZ, SSP

...more
View all episodesView all episodes
Download on the App Store

PAULINESBy Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province

  • 5
  • 5
  • 5
  • 5
  • 5

5

1 ratings