Sign up to save your podcasts
Or

MABUTING BALITA l SETYEMBRE 30, 2022 – BIYERNES
Ika – 26 na LINGGO sa Karaniwang Panahon
Sinabi ni Hesus, “Sawimpalad ka Corazin! Sawimpalad ka Betsaida! kung sa Tiro at Sidon nangyari ang mga himalang ginawa sa inyo, matagal na sana siyang nag damit sako at naupo sa abo at nakapagbalik loob. Kaya magaan pa ang sasapitin ng Tiro at Sidon kaysa inyo sa araw ng pag hatol. At ikaw naman Capernaum, dadakilain ka, kaya hanggang sa langit? Hindi ibubulid ka sa impyerno. Ako ang dinidinig ng nakikinig sa inyo; at ako ang di tinatanggap ng di tumatanggap sa inyo. At ang di tumatanggap sa akin ay di tumatanggap sa akin”.
Pagninilay:
“Makikinig Ako.” Ito ang sumikat na kutasyon ng arsobispo ng Maynila at katagang namayani sa ginagawang Synod on Synodality. Mahalaga ang pakikinig sa isang tao dahil sa pakikinig ay binibigyan natin ng importansya ang isang tao. Handa tayong ibigay ang ating oras dahil mayroong halaga ang kwento ng isang tao. Naaalala ko ang isang tao na tumawag sakin at nagkwento ng kanyang buhay. Umiiyak siya habang kinukwento ang hirap ng kanyang buhay. Ako naman habang nagsasalita sya ay sinasamahan sya at nag iisip na rin kung ano ang mga salitang makakapagpagaan ng nararamdaman nya, ngunit sinabi lang nya na “Hindi mo naman kailangan magsalita, okay na nakinig ka sa kwento ko.” Totoo nga siguro na hindi natin kailangan magsalita kahit sa dasal. Kapag nagdarasal kasi tayo akala natin kailangan ng napakaraming salita pero hindi. Hindi mo kailangan ng napakaraming salita habang nasa harap ng Panginoon. Sapat na ang luha at pagtingin mo sa Kanya. Oo, dasal din ang mga luhang lumalabas sa iyo.
-Tom Banton – Seminarian, Diocese of Antipolo
By Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province5
11 ratings