Sign up to save your podcasts
Or

MABUTING BALITA l SETYEMBRE 4, 2022 – LINGGO
Ika – 23 na LINGGO Karaniwang Panahon
Ebanghelyo: Lc 14:25-33
Habang naglalakad ang napakaraming tao na kasama ni Hesus, humarap siya sa kanila at sinabi: “Kung may dumating sa akin na di nagtatakwil sa pag-ibig sa kanyang ama at ina, at asawa at mga anak, at mga kapatid na lalaki at babae, at maging sa kanyang sarili, hindi siya puwedeng maging alagad ko. At hindi puwedeng maging alagad ko ang di nagpapasan ng kanyang krus sa pagsunod sa akin. “At paano kung may magbalak magtayo ng silungan ng bantay sa bukid? Hindi ba’t uupo muna siya at tatantyahin ang gastos para malaman kung may sapat siya para maipatapos iyon? Sapagkat kung mailagay niya ang pundasyon at hindi naman niya iyon maipatapos, pagtatawanan lamang siya ng lahat: ‘Hayan ang nagsimulang magtayo at hindi na maipatapos.’ At paano kung may haring nakikipagharap sa ibang hari? Hindi ba’t uupo muna siya para mag-isip kung kaya niya at ng sampung libong kasama niya na harapin ang dumarating na may dalawampung libo? At kung hindi naman, malayo pa ang isa ay magpapadala na siya ng mga sugo para makipag-areglo. Gayon din sa inyo. Hindi puwedeng maging alagad ko ang di tumatalikod sa lahat sa kanya.”
Pagninilay:
Mukhang mahirap talagang maging alagad ni Hesus ano po. Ang sabi niya sa Ebanghelyo ayon kay San Lukas (14:25-33), kung nais sumunod sa kanya dapat daw kamuhian ang sariling ama at ina, asawa, mga kapatid at kahit na ang sarili. Sino nga ba ang magnanais gawin iyon? Tapos dugtong pa niya dapat daw pasanin ang sariling krus at kalimutan ang mga ari-arian. Sa pagsunod kay Hesus bakit nga ba may dapat kamuhian, pasanin at kalimutan? Ang pagsunod kay Hesus ay ngangailangan ng tunay na transpormasyon. Ang kamuhian ang pamilya ay hamon sa pagyakap ng tunay na pagmamahal para sa kanila, hindi iniisiip lamang ang sarili. Ang pasanin ang krus ay hamon sa pagtanggap ng payapa sa mga di inaasahang pangyayari. Ang kalimutan ang ari-arianay hamon sa pagkilala sa tunay na mahalaga sa buhay. Sa huli ang pagsunod kay Hesus ay ang tularan siya. Ibinigay ang sarili para sa Diyos Ama at sa mga taong minamahal niya. Fr. Norman
By Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province5
11 ratings