Sign up to save your podcasts
Or

MABUTING BALITA l SETYEMBRE 5, 2022 – LUNES
Ika – 23 na LINGGO sa Karaniwang Panahon
Ebanghelyo: Lc 6:6-11
Sa iba namang Araw ng Pahinga, pumasok si Hesus sa sinagoga at nagturo. May isang lalaki na hindi maigalaw ang kanang kamay. Pinagmamasdan siya ng mga guro ng Batas at mga Pariseo, at baka pagalingin ito ni Hesus sa Araw ng Pahinga at nang maisakdal nila siya. Ngunit alam ni Hesus ang kanilang iniisip kaya sinabi niya sa lalaking hindi maigalaw ang kamay: “Tumindig ka’t tumayo sa gitna.” Tumindig nga ito at tumayo roon. Sinabi ni Hesus sa kanila: “Matanong ko nga kayo: ano ang ipinahihintulot sa Araw ng Pahinga, gumawa ng mabuti o gumawa ng masama, magligtas ng buhay o pumatay?” Tiningnan niya silang lahat sa paligid at sinabi sa tao: “Iunat mo ang iyong kamay.” Ginawa niya ito at gumaling ang kanyang kamay. Galit na galit naman sila at magkakasamang nag-usap-usap kung ano ang magagawa nila kay Hesus.
Pagninilay:
May isang post na naka-agaw sa aking pansin sa Facebook. Sa naturang post ay isang chatbox na nagpapakita ng sandamakmak na pagsabi ng “mahal kita” na may isang “ang pangit mo”. Natural, ang taong sinendan ng mensahe, ay nagtanong kung bakit may naiibang message doon. Ang sagot lamang ng tao ay “ganyan tayo eh, sa dami ng mabuti kong sinabi, doon ka nakatingin at nakapokus sa masama.” Mga kapatid, ganito rin ang situwasyon ni Kristo sa ating Mabuting Balita ngayon; sa dami ng mabuti niyang ginawa, ay mas nakatingin at nakatutok pa rin ang mga eskriba at mga Pariseo sa kung anong mali ang pwede niyang gawin. Ang kanilang mga puso ay puno ng galit, poot, at inggit na nagpigil sa kanila upang makitaang kabutihang dulot ni Hesus. Kaya kaniyang pinaalala sa kanila ang isang importanteng bagay: ang pagpili ng paggawa ng mabuti sa ating kapwa kailanman at saanman kahit na anuman ang isipin ng iba tungkol dito. Madalas, hindi natin nagagawa ang mga gawaing mabuti sa iba, dahil takot tayo kung ano man ang sabihin ng iba. Ang mga salita at paratang na tinatapon sa atin ay hindi repleksyon kung ano tayo, kundi ito ay nagpapakita kung anong klaseng tao ang mga humuhusga sa atin. Nawa’y huwag nating hayaang diktahan tayo ng ibang tao sa mga mabubuting gagawin natin para sa ating kapwa. Ating alalahanin ang sinabi ni San Juan Maria Vianney, “Huwag subukang pasayahin ang lahat. Sikaping pasayahin ang Diyos, ang mga anghel, at ang mga banal - sila ay iyong publiko.”
-Nov. Anjon Fredrick C. Mamunta ng Society of Saint Paul
By Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province5
11 ratings