Sign up to save your podcasts
Or

MABUTING BALITA l SETYEMBRE 6, 2022 – MARTES
Ika – 23 na LINGGO sa Karaniwang Panahon
Ebanghelyo: Lc 6: 12-19
Umakyat si Hesus sa bundok para manalangin at magpalipas ng magdamag sa pagdarasal sa Diyos. Nang nag umaga na, tinawag n’ya ang kanyang mga alagad at pumili s’ya ng labindalawa sa kanila na tinawag n’yang Apostol: si Simon na pinangalanan n’yang Pedro, si Andres na kapatid nito, si Jaime, si Juan, si Felipe, si Bartolome, si Mateo, si Tomas, si Jaimeng anak ni Alfeo, si Simon na tinaguriang Zelota, si Judas na kamag-anak ni Jaime, at si Judas Iskariote na naging taga-pagkanulo. Pagkababa kasama nila, tumigil si Hesus sa isang patag na lugar. Naroon ang maraming alagad n’ya at napakarami ring tao mula sa buong Judea at Jerusalem, at mula sa baybaying dako ng Tiro at Sidon ang dumating para makinig sa kanya at mapagaling sa kanilang mga karamdaman. Gumaling din ang mga pinahihirapan ng masasamang espiritu, kaya sinikap ng lahat ng tao na mahipo s’ya dahil may kapangyarihang lumalabas sa kanya na nagpapagaling sa lahat.
Pagninilay:
Alam nyo ba na ngayong araw, September 6, inaala-ala natin ang pagtatapos ng buong mundong paglalayag ng Barkong Victoria? May apat pa itong kasamang barko, at ang lead ship na Trinidad na doon nakasakay si Ferdinand Magellan. Mula sa Espanya dala nila ang full support ni King Charles, the First. Sa paglalayag nila, nakasama ang bansa natin sa history. Ang Barkong Victoria lang ang nakabalik na ligtas sakay ang natirang labingwalo. Mula sa 270 na nakibaka sa pangakong uunlad ang Espanya, mayroong nagbuwis ng buhay gawa ng natural disasters at ang iba naman, nasawi sa mga katutubo kasama doon si Magellan. Ganito ang buhay, tumutugon tayo sa panawagan na malimit hindi natin alam ang kahihinatnan. Tulad ng mga tinawag na apostol ng ating Jesus Maestro. Labindalawa sila, na may iba’t ibang personalidad, iba’t ibang pinagkukunan ng ikabubuhay, iba’t ibang family background, at iba’t iba rin ang intensyon ng kanilang pagsunod. Hindi tayo naiiba sa kanila. Iba’t iba ang ating ugali, iba’t iba ang pinag-aralan, iba’t iba rin ang karanasan natin sa ating pamilya, iba’t iba ang outlook natin sa buhay. Pero iisa ang inaasahan sa atin. Ang tumugon sa calling ni Lord hindi man natin alam what lies ahead. Maraming nakakubling bagay at unti-unti itong na-uunfold. Alam natin ang naging kinahinatnan ng mga apostol. Si Mateo, sinaksak ng ispada sa may Ethiopia. Si Lukas, binigti sa puno ng olibo sa Gresya. Si Juan, pinakuluan sa talyasi bagamat nakaligtas, doon siya napalaboy sa Patmos. Si Pedro, ipinako na patiwarik sa Roma. Pinugutan naman si Jaime na kapatid ni Juan. Nakatago ito sakanilang kaalaman nang sumunod sila kay Jesus. Sa mata ng mundo: pagkabigo. Sa mata at kalooban ng Diyos: tagumpay. Kaya’t sa patuloy na pagtataya natin ng lakas kapag marami ang nanghihina; o ang lakas-loob na itinataya natin ang ating tiwala para magwagi ang iba; o buong-puso na itinataya natin ang ating pagmamahal para bumusilak ang iba; magtiwala… magtaya… manampalataya. Di ba, sa buhay na inialay ng mga apostol, tayo ang naging bunga? Kaya’t sa bawat pagtugon natin sa Diyos bagamat walang kasiguruhan, para sa Kanya, pinapaging-alay tayo sa kapwa natin na naliligaw ng landas, ng mga nag-aalinlangang magtiwala, ng mga nagiging sanhi ng kaguluhan. Hindi man natin ngayon nakikita ang talukap ng mata ng umaga, para kay Jesus, ikaw ay sinag na Kanyang nakikita.
-SR. GEMMA DELA CRUZ
By Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province5
11 ratings