PAULINES

MABUTING BALITA l SETYEMBRE 7, 2022 – MIYERKULES


Listen Later

MABUTING BALITA l SETYEMBRE 7, 2022 – MIYERKULES

Ika – 23 na LINGGO sa Karaniwang Panahon



Ebanghelyo: Lk 6:20-26

Tumingala si Hesus sa kanyang mga alagad, at sinabi, “Mapapalad kayong mga dukha: sapagka't sa inyo ang kaharian ng Diyos. Mapapalad kayong mga nagugutom ngayon: sapagka't bubusugin kayo. Mapapalad kayong mga umiiyak ngayon: sapagka't tatawa kayo. Mapapalad kayo kapag kinapopotan kayo ng mga tao, at itinatakwil at iniinsulto, at sinisiraang puri dahil sa akin. Magsaya kayo at lubos na mag galak sa araw na yon, sapagka't malaki ang inyong gantimpalang nasa sa Diyos. Gayundin ang ginawa ng kanilang mga ninuno sa mga propeta. Ngunit sawimpalad kayong mga mayayaman! sapagka't tintamasa na Ninyo ang inyong ginhawa. Sawimpalad kayong mga busog ngayon! sapagka't magugutom kayo. Sawimpalad kayong humahalakhak ngayon! sapagka't magluluksa kayo at iiyak. Sawimpalad kayo kapag pinaguusapan kayo ng mabuti sa lahat ng tao dahil ganuon din ang ginawa ng kanilang mga ninuno sa mga bulaang propeta”.

Pagninilay:

Sinasabing ang ginawang paghahambing ni Hesus sa blessings at woes na kanyang ipinahayag ngayon sa mabuting balita ay isang pagtatangi niya sa mga biyaya at pangako ng kaharian ng Diyos laban sa ginhawang napaparam o natatamasa lamang natin dito sa mundo. Paano naging mapalad ang nagugutom? Mahihirap? Inaapi? Tumatangis? iisa lang ang sagot, may Diyos tayong tapat at hindi lumilimot sa kanyang pangako. Mga kapatid, wala naman tayong maipagmamalaki sa Diyos na buhat sa ating mga natatamasa natin dito sa mundong ibabaw. Sabi nga’y lahat lamang ay hiram natin mula sa kanyang kadakilaan. Totoo po, minsan tayo’y kinakapos, nagkukulang, inaapi, kinamumuhian, pinagtatawanan ng mundo. Dahil, ang akala nila’y kahibangan ang umasang ipagtatanggol tayo ng Diyos na hindi nakikita. Dahil, akala nila’y bulag ang Diyos sa kung ano ang katotohana’t Mabuti. Huwag nawa tayong magsawang kumapit sa Diyos. Yamang siya lamang ang magtatangol sa atin, pupunan ang ating mga kakulanga’t kakapusan, yayakap sa tuwing tayo’y tatangis, at kaganapan ng lahat ng ating inaasam sa buhay. Amen.

-BRO. VINZ AURELLANO, SSP

...more
View all episodesView all episodes
Download on the App Store

PAULINESBy Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province

  • 5
  • 5
  • 5
  • 5
  • 5

5

1 ratings