Sign up to save your podcasts
Or

Mabuting Balita | Mayo 13, 2022
Biyernes sa Ika-apat na Linggo ng Pagkabuhay
Kapistahan ng Birhen ng Fatima
Ebanghelyo: Juan 14: 1-6
Sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: “Huwag mabagabag ang inyong mga puso. Manalig kayo sa Diyos, at manalig din kayo sa akin. Maraming silid sa bahay ng aking Ama. Kung hindi’y hindi ko sana sinabi sa inyong: ‘Papunta ako upang ipaghanda kayo ng lugar.’ At kapag nakapunta na ako at nakapaghanda ng lugar para sa inyo, muli akong darating at isasama ko kayo para sa aking sarili upang kung saan ako naroroon, gayon din naman kayo. At alam n’yo ang daan sa pupuntahan ko.” Sinabi sa kanya ni Tomas: “Panginoon, hindi namin alam kung saan ka pupunta. Papaano namin malalaman ang daan?” “Ako ang daan, ang katotohanan, at ang buhay. Walang sinumang nakalalapit sa Ama liban sa pamamagitan ko.”
Pagninilay:
Narinig natin sa Ebanghelyo na inaliw ng Panginoong Hesus ang Kanyang mga alagad, at tiniyak Niya sa kanila na Siya ang susi patungo sa Ama. Sinabi Niyang Siya ang Daan, Katotohanan at Buhay. Bilang Daan, itinuro Niya ang paraan ng kabanalan patungo sa Ama. Daan na punong-puno ng pagsubok pero nakapagpapalakas ng loob dahil lagi Siyang pumapatnubay. Bilang Katotohanan, punong-puno ng karunungan ng Diyos at makalangit na aral ang Kanyang Salita. Katotohanan na kailangan nating matutuhan at isabuhay. Inialay Niya ang Kanyang sarili upang makamit natin ang buhay na walang hanggan. Inialok Niya ang Kanyang sarili bilang Tinapay ng buhay at Buhay na Tubig. Tiniyak pa Niyang ang Kanyang Katawan at Dugo, ang ating Kaligtasan. Kaya’t patatagin natin ang debosyon kay Hesus bilang Daan, Katotohanan at Buhay. Magagawa natin ito, sa patuloy na pagsisikap na magkaroon ng matibay na paninindigan sa moral na pagpapasya at pag-uugali. Ganoon din ang patuloy na pagkilala natin sa sarili at pagtuklas sa tunay na layunin ng Diyos sa paglikha sa atin: Sino ako? Bakit ako nilikha ng Diyos? Paano ko mapapabuti ang aking pakikitungo sa aking kapwa? At ang makaugaliang magbasa at isabuhay ang nilalaman ng Banal na Biblia. Isa ring mabisang paraan, ang debosyon sa Banal na Misa na nakapagbibigay-sigla sa ating kalooban at nagbibigay-buhay sa ating kaluluwa. Kung magagawa natin ito nang tapat, sisikaping itanim sa ating kalooban at maging bahagi ng ating buhay –mahuhubog sa atin si Hesus. Tayo rin, magiging daan, katotohanan at buhay para sa ating kapwa. Di ba’t kay ganda kung tayong lahat, tapat na magagampanan ang ating bokasyon na maging tagapamagitan sa isa’t isa tungo sa Diyos Ama? Panginoon, kasihan mo po ako ng Iyong Banal na Espiritu nang makatugon ako sa hamon na maging daan, katotohanan at buhay sa mundo. Amen.
- Sr. Estela Angeles, fsp | Daughters of St. Paul
By Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province5
11 ratings