Sign up to save your podcasts
Or

Mabuting Balita | Mayo 14, 2022
Sabado sa Ika-apat na Linggo ng Pagkabuhay
St. Matias, apostol
Ebanghelyo: Juan 15: 9-17
Sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: “Katulad ng pagmamahal sa akin ng Ama, gayundin naman ang pagmamahal ko sa inyo. Manatili kayo sa pagmamahal ko. Kung tutuparin ninyo ang aking mga utos, mananatili kayo sa pagmamahal ko katulad ng pagtupad ko sa mga utos ng aking Ama at ng pananatili ko sa kanyang pagmamahal. Sinabi ko sa inyo ang mga ito upang mapasainyo ang kagalakan ko, at maging ganap ang galak ninyo. Ito ang utos ko: Magmahalan kayo gaya ng pagmamahal ko sa inyo. Wala nang pagmamahal na hihigit pa kaysa pag-aalay ng sariling buhay alang-alang sa mga kaibigan niya. Mga kaibigan ko kayo kung ginagawa ninyo ang iniuutos ko sa inyo. Hindi ko na kayo itinuturing na mga utusan sapagkat hindi alam ng utusan kung ano ang ginagawa ng kanyang panginoon. Itinuring ko naman kayong mga kaibigan sapagkat ipinaalam ko sa inyo ang lahat ng narinig ko mula sa aking Ama. Hindi kayo ang humirang sa akin kundi ako ang humirang sa inyo at itinalaga ko kayo para matagpuang namumunga, at manatili ang bunga ninyo. At ipagkakaloob sa inyo ng Ama anuman ang hilingin ninyo sa kanya sa Ngalan ko. Iniuutos ko nga sa inyo na magmahalan kayo.”
Pagninilay:
Ipinag-uutos sa atin ni Hesus sa ebanghelyo natin ngayong araw ang pag-ibig. “Bro, gasgas na yan. Narinig ko na yan. Iba naman!” Opsss! Teka lang. Lagyan natin ng kaunting konteksto para tayo’y mas malinawan “This is my commandment: Love one another as I love you” “Ito ang aking utos: Magmahalan kayo gaya ng pagmamahal ko sa inyo!” Hindi nire-request, hindi nakikisuyo, hindi nakikiusap. Ipinag-uutos. At kung ako ang tatanungin, hindi ito basta-bastang pagtawag para sa isang kristiyano sa modernong panahon. Isa itong radikal na pagsunod sa kalooban ng Diyos Ama: isang magiting na pananatili sa kalooban ng Ama para sa ating buhay. Isa itong pagtawag tungo sa pag-ibig sa kapwa, kahit sino pa yan: pagmamahal sa chismosa mong kapitbahay, pagmamahal sa fake news peddler mong kaalitan sa facebook, pagmamahal sa ex mong pinagpalit ka sa mas panget sa’yo, pagmamahal sa pulitikong pinangakuan ka ng magandang buhay pero di tinupad (na sana di mo na binoto nung May 09). And the list goes on. Ano? Laos ba yun? Laos bang matatawag kung hindi mo pa naman nagagawa? Ganoon kasi ka-radikal ang pagmamahal ni Hesus at nais niyang ganoon din tayo magmahal.
Ito ang parehong kautusang sinikap isalin sa atin ng unang mga taga-sunod ni Hesus. At bahagi ng tapat na pagtupad sa kautusang ito ang paghirang ng mga Apostoles kay Matias bilang kahalili ni Hudas, ang Apostol na tumalikod sa kanyang pagsunod kay Hesus at nagkanulo pa sa kanya. Ayon sa Tradisyon, naging mabunga ang ministeryo ni San Matias sa Cappadocia, Judea, Ethiopia at mga karatig na lugar ng mga ito. Mga kapanalig, aya nga ng mga Apostoles, atin nawang ipalaganap ang parehong kautusan sa pamamagitan ng salita, gawa, at ng atin mismong buhay. Kapanalig, magmahal nang walang kapalit. Umibig nang radikal. - Cl. Ian Gabriel Ceblano, SSP
By Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province5
11 ratings