PAULINES

Mabuting Balita | Mayo 15, 2022 - Linggo


Listen Later

Mabuting Balita | Mayo 15, 2022

Ika-limang Linggo ng Pagkabuhay


Ebanghelyo: Juan 13: 31-33, 34-35

Pagkalabas ni Judas, sinabi ni Hesus “Niluluwalhati na ngayon ang Anak ng tao, at niluwalhati din sa kanya ang Diyos, at agad nyo siyang luluwalhatiin. Mga munting anak, sandali nalang ninyo akong kasama. Isang bagong utos ang ibinibigay ko sa inyo, magmahalan kayo gaya ng pag mamahal ko sa inyo. Gayon din kayo mag mahalan. Sa ganito makilala ng lahat na mga alagad ko kayo. Kung may pagmamahal kayo sa isa't isa.”

Pagninilay:

Love one another, new commandment. As i have loved you, you also should love one another. This is how all will know that you are my disciples. Dito nila malalaman na kayo ang aking mga alagad, sa pagmamahalan sa isat-isa gaya ng pagmamahal Ko sa inyo - iyan ang bilin ni Hesus hindi lang sa kaniyang mga alagad kung hindi sa ating lahat.  Sa huling hapunan, ibinunyag muli ni Hesus ang kaniyang lubos na pagmamahal sa kaniyang mga alagad. Si Hudas naman na kaniyang alagad at kaibigan, sa kaniyang inggit at kasakiman ay mas pipiliing itatwa siya. Mula sa kaliwanagan, pipiliin ni Hudas ang kadiliman. Pero gaya ng apoy at liwanag sa Pasko ng Pagkabuhay, tutupukin nito ang dilim.  Ang bilin ni Hesus sa atin ay magmahalan gaya ng Kaniyang pagmamahal sa atin. Sa pagmamahalang ito, ipinakikila natin sa mundo kung anong Diyos mayroon tayo.

– Rev. Edward Dantis, SSP | Society of St. Paul

...more
View all episodesView all episodes
Download on the App Store

PAULINESBy Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province

  • 5
  • 5
  • 5
  • 5
  • 5

5

1 ratings