PAULINES

Mabuting Balita | Mayo 16, 2022 - Lunes


Listen Later

Mabuting Balita | Mayo 16, 2022

Lunes sa Ika-limang Linggo ng Pagkabuhay


Ebanghelyo: Juan 14: 21- 26

Sinabi ni Hesus sa kanyang mga Alagad “Ang tumutupad sa tinanggap niyang mga kautusan ko, siya ang nagmamahal sa akin. Mamahalin ng aking Ama ang nag mamahal sa akin, at mamahalin ko rin siya, at ipakikita ko sa kanya ang aking sarili.” Sinabi sa kanya ni Judas (hindi ang Iscariote), “Panginoon, Paano mangyayaring na sa amin mo ipapakita ang iyong sarili at hindi sa mundo? Kung may nag mamahal sa akin, isasakatuparan niya ang aking salita, at mamahalin siya ng aking Ama, at pupuntahan namin siya, at kanya naming gagawin ang isang panuluyan para sa aming sarili.  Ang hindi naman nag mamahal sa akin ay hindi nagsasakatuparan sa mga salita ko. At ang salitang inyong naririnig ay hindi sa akin, kundi sa Amang nagpadala sa akin. Sinabi ko na sa inyo ang mga ito, habang kasama pa ninyo ako. Ituturo naman sa inyo ng tagapag tanggol ang lahat. Siya ang Espirito Santong ipapadala ng Ama sa ngalan ko. At ituturo nya sa inyo ang lahat, at ipapaalala niya sa inyo ang lahat na sinasabi ko sa inyo.

Pagninilay:

Kung ano ang pinagmulan, yun ang kalalabasan. Nagmahal kaya tumalima. Yan ang ibig ni sabihin ni Hesus, nagmamahal kaya tumutupad sa pinagkasunduan na pamantayan ng ugnayan. Sa pagmamahal, may pagkakaunawaan at pagtutugma ng puso. Tulad sa coordinated effort ng mga sumasayaw, halimbawa sa tiktok. Nagaganap ito kung ang mga sumasayaw, familiar na sa isa’t isa. May agreement to be in sync na resulta ng constant practice hanggang maging second nature na nila ang mag-harmonize. Mas higit pa rito ang offer sa atin ni Hesus sa Mabuting Balita. Ito ang Dance of Love! Imbitasyon para sumayaw kasama ng Diyos Ama, Diyos Anak, at ng Espiritu. Ito ang sayaw na ang ritmo ay banal na pag-ibig. Sa kumpas ng pagmamahal, tatalima rin tayo ng pagmamahal. Wala itong ibang kundisyon kundi ang pag-ibig. Sa pandinig-pananampalataya natin, may tinig na galing kay Hesus, “May I have this dance?” Iniimbitahan tayo na abutin ang kamay ni Hesus. Okey lang kung wala tayong praktis, aalalay naman Siya kapag wala na tayo sa kumpas ng pag-big. Halimbawa, ngayong pumapasok tayo sa panibagong yugto ng ating bansa, tumugon tayo sa pagmamahal. Kahit hindi tayo involved sa pamamahala, gawin natin ito sa kinikilusan nating mundo. Halimbawa, kung tumitigas na ang puso natin para magpatawad, magpakumbaba at pagtagumpayan ang pag-ibig ng Diyos. Kung nasasawa na tayong tumulong sa iba, magpursiging maging masipag bilang saksi ng pag-ibig ng Diyos. Kung nananawa ka nang makiisa sa pagsulong ng bansa, mahalin mo lang nang nararapat ang iyong anak o ang iyong kapatid, sign na ito ng pag-ibig ng Diyos. Sa pagtalima natin sa rhythm ng kanyang sayaw, itapat natin ang tibok ng Kanyang puso sa tibok ng ating buhay. Sa pagsayaw, hindi naman agad, mapeperfect ang indak. Basta maging open lang tayong sumunod at magiging second nature na natin ang mag-harmonize sa pag-ibig ni Hesus sa Diyos Ama at sa Banal na Espiritu. Yan din ang maihahandog natin sa ating bansa. Our loving harmony with the Blessed Trinity, brings harmony to our country. – Sr. Gemmaria dela Cruz, FSP | Daughters of St. Paul

...more
View all episodesView all episodes
Download on the App Store

PAULINESBy Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province

  • 5
  • 5
  • 5
  • 5
  • 5

5

1 ratings