Sign up to save your podcasts
Or

Mabuting Balita | Mayo 19, 2022
Huwebes sa Ika-limang Linggo ng Pagkabuhay
Ebanghelyo: Juan 15: 9-11
Sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: “Katulad ng pagmamahal sa akin ng Ama, gayundin naman ang pagmamahal ko sa inyo. Manatili kayo sa pagmamahal ko. Kung tutuparin ninyo ang aking mga utos, mananatili kayo sa pagmamahal ko katulad ng pagtupad ko sa mga utos ng aking Ama at ng pananatili ko sa kanyang pagmamahal. Sinabi ko sa inyo ang mga ito upang mapasainyo ang kagalakan ko, at maging ganap ang galak ninyo.”
Pagninilay:
Sabi po ng mga dalubhasa bumaba na sa 8 seconds ang “attention span” ng mga millennials. Imagine, 8 seconds, siguro habang nanonood kayo ng episode na ito ng Bagong Umaga ay maya maya, iiscrooll up niyo na din. Ang catch word po sa ating ebanghelyo ngayong araw ay “manatili” o “to remain” Mahirap manatili sa kaibigang parang ipinagtatabuyan ka. Manatili sa isang prinsipyong dehado ka. Mahirap manatili sa mga bagay na alanganin. Pag nanatili ka sa panandaliang kasiyahan, pano naman ang panghabambuhay? Pag nanatili ka sa gustong ibigay na luho ng mundo pano naman ang langit? Kaya nga ito ang hamon ni Hesus sa atin ngayon-manatili kayo sa akin-sa aking pag-ibig, sa hatid kong katotohanan, sa handog kong kabutihan. Bakit natin pipiliing manatili sa mga bagay na ‘di sigurado, dehado, alanganin-kung sigurado tayo kay Hesus-ang hatid niyang liwanag, awa, at buhay na walang hanggan? Bat nating pipiliin manatili sa mga bagay na lumilipas, kayamanan, karangyaan, kung ang hatid sa atin ay kayabangan? Eh si Hesus na mismo ang nagtuturong PAG-IBIG ang pagkakakilanlan ng bawat taong sumasampalataya sa kanya. Huwag nawa tayo umastang parang nasa karera tayo ng buhay. Mas sikat, mas mayaman, mas talentado-abay mas magaling! Isa lamang po ang nais ng Diyos-habang tayo’y umiiral sa buhay huwag tayong mawala at mapariwara sa kanyang kanlungan. Lagi nating isipin na mahal tayong lubos ng Diyos at dahil doon kailangan natin manatili sa kanyang pagkandili upang tayo man ay huwag ding masupil ng mga bagay na makamundo at lumilipas. Amen. – Cl. Vinz Aurellano, SSP | Society of St. Paul
By Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province5
11 ratings