PAULINES

Mabuting Balita | Mayo 21, 2022 - Sabado


Listen Later

Mabuting Balita | Mayo 21, 2022

Sabado sa Ika-limang Linggo ng Pagkabuhay


Ebanghelyo: Juan 15: 18-21

Sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: “Kung napopoot sa inyo ang mundo, alamin ninyo na ako muna bago kayo ang kinapootan. Kung kayo’y mula sa mundo, inibig na sana ng mundo ang sariling kanya. Ngunit napopoot sa inyo ang mundo dahil hindi kayo mula sa mundo kundi ako ang humirang sa inyo mula sa mundo. Tandaan ninyo ang sinabi ko sa inyo: ‘Walang utusang mas dakila sa kanyang panginoon.’ Hindi ba’t inusig nila ako? Uusigin din kayo. Tinupad ba nila ang aking salita? Gayon din nila tutuparin ang sa inyo. Dahil sa ngalan ko nila gagawin ang mga ito laban sa inyo, sapagkat hindi nila nakikilala ang nagpadala sa akin.”

Pagninilay:

Isa sa mga nakakalungkot na realidad ng buhay ay kawalang paki-alam sa ingles po tinatawag nating Apathy. Nangyayari ito sa komunidad na siyang dahilan din ng pagkakanya-kanya. Ito lang ang kasundo ko, bahala na, ito lang ang aking pangangalagaan. Pag hindi kasundo, syempre kayo ay kaaway at marapat na kapootan. Sa Ebanghelyo po natin pinaalalahanan tayo ni Hesus sa ganitong realidad. Mapopoot ang mundo sa ating mga tagasunod niya lalo na’t kapag ipinahahayag natin ang ating pananampalataya. Kapag ipinahahayag natin ang katotohanan. Kapag ipinahahayag natin ang pagmamahal. Marami na pong naging biktima ng karahasan dahil sa ating tahasang pagpapahayag ng pananampalataya, katotohanan, pag-ibig at hustisya. Sa katunayan patuloy na napopoot ang mundo sa atin bilang mga kristiyanong naninindigan lalong lalo na sa dignidad ng buhay. Gayunpaman, patuloy nawa tayong tumugon sa bilin at panawagan ni Hesus. Siya na din ang nagsabi: “Makikilala kayo ng mundo bilang Kristiyano sa inyong pagmamahalan sa bawat isa.” Sana magawa nga natin itong tunay. Sana may paki-alam pa din tayo kapag inaabuso ang ating pananampalataya, at katotohanan. Dahil ang tunay ay may pananagutan tayo sa bawat isa, higit sa lahat sa Diyos. – Cl. Cesar Caalem, SSP | Society of St. Paul

...more
View all episodesView all episodes
Download on the App Store

PAULINESBy Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province

  • 5
  • 5
  • 5
  • 5
  • 5

5

1 ratings