Sign up to save your podcasts
Or

Mabuting Balita | Mayo 22, 2022
Ika-aanim na Linggo ng Pagkabuhay
Ebanghelyo: Juan 14: 23-29
Sumagot si Hesus at nagwika kay Judas hindi ang Iskariote: “Kung may nag mamahal sa akin isasakatuparan niya ang aking salita at mamahalin siya ng aking ama at pupuntahan namin siya at sa kanya naming gagawin ang isang panuluyan para sa aming sarili. Ang hindi naman nagmamahal sa akin ay hindi nagsasakatuparan sa mga salita ko. At ang salitang inyong narinig ay hindi sa akin kundi sa amang nagpadala sa akin. Sinabi ko sa inyo ang mga ito, habang kasama pa ninyo ako. Ituturo naman sa inyo ng tagapagtanggol ang lahat, siya ang Espiritu Santong ipadadala ng ama sa ngalan ko. At ituturo niya sa inyo ang lahat, at ipapaalala niya sa inyo ang lahat ng sinabi ko sa inyo. “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo, ibinibigay ko sa inyo ang aking kapayapaan hindi tulad ng pagbibigay ng mundo ang pagbibigay ko nito sa inyo. Wag mabagabag ang inyong mga puso, wag kayong matakot narinig ninyong sinabi ko sa inyo paalis ako pero babalik ako sa inyo. Kung minamahal ninyo ako magagalak sana kayo sa pagpunta ko sa ama, sapagkat mas dakila sakin ang ama. Ngunit sinabi ko na ito ngayon sa inyo bago mangyari upang maniwala kayo kapag nangyari ito.
Pagninilay:
Peace, I leave with you, my peace I give you. Do not let your hearts be troubled or afraid. Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo, ang aking kapayapaan ay ibinibigay ko sa iyo. Huwag hayaang mabagabag ang inyong mga puso. Takot, pangamba at walang kasiguruhang bukas ang iniisip ng mga alagad ni Hesus. Matapos na bigyan sila at bilinan ng kapayapaan sa huling hapunan, hayan naman at iiwan sila at haharapin ang kamatayan. Sino ang hindi dadapuan ng takot nito? Kung ito nga ang maririnig mo kay Hesus sa bisperas ng kamatayan, ikaw ay panghihintakutan. Pero sabi Niya ay huwag. Dahil sa Kaniyang pag alis ay may iiwan siya sa kanila na papawi ng kanilang takot at pangamba. Ang Espiritu Santo, ang siyang magpapanatiling buhay sa kanila ng mga tinuro ni Kristo. Ang pangako ng kapayapaan, kapayapaan mismo ni Kristo, na hindi kayang ibigay ng mundo. Ang Kaniya mismong sarili, ang Hesu-Kristo na nasa kanilang mga puso. Ang siyang magpapakilala sa kanila ng kapayapaan at magwawaksi ng kanilang takot. Peace, kapayapaan o sa salitang Hebreo ay shalom na mula mismo sa bibig ni Hesus nanggaling. Ito ang ninanais niya sa kaniyang mga alagad at maging sa atin. Ang mabuhay na mapayapa at sagana. Lahat ng mga ito ay maari lamang maganap kung tayo ay mapupuspos ng Espirito ni Hesu-Kristo.
- Rev. Edward Dantis, SSP | Society of St. Paul
By Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province5
11 ratings