Sign up to save your podcasts
Or

Mabuting Balita | Mayo 26, 2022
Huwebes sa Ika-anim na Linggo ng Pagkabuhay
Ebanghelyo: Juan 16: 16-20
Sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: “Sandali pa at hindi n’yo na ako muling makikita, at sandali pa at makikita n’yo rin ako.” At sinabi ng kanyang mga alagad sa isa’t isa: “Ano ba itong sinasabi niya sa atin: ‘Sandali pa at hindi n’yo na ako makikita, at sandali pa at makikita n’yo rin ako’ at ‘Papunta ako sa Ama’?” Kaya sinabi nila: “Ano ba itong ‘sandali’? Hindi natin alam kung ano ang sinasabi n’ya.” Alam ni Hesus na niloloob nilang tanungin s’ya at sinabi n’ya sa kanila: “Itinatanong n’yo sa isa’t-isa ang ibig kong sabihin, ‘Sa sandali pa at hindi n’yo na ako makikita, at sandali lamang at makikita n’yo ako.’ Talagang-talagang sinasabi ko sa inyo, tatangis kayo at tataghoy, ngunit magagalak naman ang mundo. Malulungkot kayo ngunit magiging kagalakan ang inyong kalungkutan.
Pagninilay:
Masakit naman po talagang tanggapin ang mga mahal natin sa buhay na humihiwalay o umaalis sa ating piling. Maaaring yumao na, pumunta sa ibang bansa o lugar, may kailangang tapusing trabaho at sa kung anupamang kadahilanan etc. Hindi man natin masisi ang mga apostol ni Hesus-sila ri’y hindi na maintindihan ang mga nangyayari. Mistulang roller coaster na marahil ang kanilang emosyon. Namatay si Hesus, pinahirapan, may pagtataksil, matapos ang ikatlong araw nabuhay, nagpakita sa kanila hindi makapaniwala at marami pang iba. “a hard pill to swallow” ika nga. Sa kabila ng lahat, mapangyayari pa din ang nais ng Diyos. Si Hesus ay aakyat sa Ama, dadakilain siya-kaya nga ang kanyang paglisan ay hindi okasyon ng pagtangis at pighati, bagkus isang araw ng kagalakan. Tutunog muli ang mga tambuli ng bawat anghel sapagkat naipanalo na tayo ni Hesus laban sa kasalana’t kamatayan. Tagumpay na siyang lubos! Mahirap man noong mga panahong iyon na ipaliwanag sa kanyang mga alagad ang nangyayari-sigurado si Hesus sa kanyang winika-"matitigib kayo ng kalungkutan, subalit ito’y magiging tunay na kagalakan! (Cf. Jn. 16:20)”
- Cl. Vinz Aurellano, SSP | Society of St. Paul
By Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province5
11 ratings