Sign up to save your podcasts
Or

MABUTING BALITA | MAYO 27, 2021 – Huwebes sa Ikawalong Linggo ng Taon
Kung tatanungin ka ng Panginoon kung ano ang ninanais mong gawin niya sa’yo ano ang itutugon mo?
EBANGHELYO: MARCOS 14:22-25
Sa unang araw ng pesta ng tinapay na walang libadura, ng kinakatay ang tupang pang paskwa sinabi kay Hesus ng kanyang mga alagad. “Saan mo kami gusto pumunta para maghanda ng hapunan pangpaskwa para sa iyo. Kaya ipinadala niya ang dalawa sa kanyang mga alagad sa pagsasabing: “pagpunta ninyo sa lungsod sasalubungin kayo ng isang lalaki may pasan ng isang bangon tubig. Sumunod kayo sa kanya at sabihin ninyo sa may ari ng bahay na pupuntahan niya. Ito ang sabi ng guro, nasa anong kwarto para sa akin, para pagsaluhan namin ng aking mga alagad ang hapunan pang paskwa. Itotoro niya sa inyo ang malawak na silid sa itaas, na ayos at may kagamitan, doon kayo maghanda para sa atin. Umalis na ang mga alagad at pumunta sa lungsod at nakita ang sinabi ni Hesus sa kanila at inihanda nila ang paskwa. Habang sila ay kumakain kinuha niya ang tinapay at matapos mag puri sa Diyos ipinaghatihati niya yon at ibinigay sa kanyang mga alagad habang sinasabi : “Kunin ninyo ito and aking katawan”, pagkatapos ay kinuha niya ang kalis, nagpasalamat siya at ibinigay sa kanila at uminom ang lahat at sinabi niya sa kanila “ Ito ang aking dugo, ang dugo ng bagong tipan na ibinubuhos para sa marami. Sinasabi ko rin sa inyo hindi na ako iinum pa ng galing sa ubas hanggang sa araw na inumin ko ang bagong alak sa kaharian ng Diyos”. At pagkaawit ng mga salmo, pumunta sila sa bundok ng mga olivo.
PAGNINILAY:
Sa bahay namin sa probinsya, kapag-nawawalan ng power ng kuryente sa gabi, sinasabi ni mama na walang tatayo o aalis sa pwesto dahil madilim. Kahit walang ilaw at madilim/ alam ni mama kung saan kukuhanin ang kandila at posporo para sindihan ito. Malakas ang loob n’yang tumayo sa gitna ng dilim ng kapaligiran/ magkaroon lang liwanag ang aming tahanan. Sa ating Mabuting Balita, na encounter ni Hesus ang bulag na si Bartimeo. Sa puso ni Bartimeo, si Hesus lang ang kanyang pag-asa para makakita. Alam din nya na marami na s’yang napagaling. Marahil hindi niya nakikita ang ginagawa ni Hesus, pero sa kanyang pakikinig at matalas na pakikiramdam sa kanyang paligid, parang maliwanag na maliwanag na nakikita nya si Hesus. Kaya gusto n’yang makakita ng lubusan. Itinanim na ni Bartimeo sa kanyang puso at isip na gagawa s’ya ng paraan upang siya’y mapansin ni Hesus kahit na anong mangyari. Sinindihan ni Bartimeo ang kandila ng kanyang pananampalataya. Pagdaan ni Hesus sumigaw sya, bagamat hindi sya agad napansin at maraming balakid sa paligid, hindi nanghina ang kanyang pananalig, sa halip nilakasan pa niya ang kanyang loob at pagsigaw. Nang tinanong s’ya ni Hesus “Ano ang ibig mong gawin ko sa iyo?” At sumagot s’ya, “Ibig ko po sanang makakita.’ Kaagad-agad nakakita s’ya at yon ay dahil sa kanyang pananampalataya. Ikaw kapanalig, nasa kadiliman ka ba ngayon? Dumaraan ka ba sa tunnel ng buhay ngayon? baka kailangan mong sindihan ang kandila ng iyong pananampalataya. Tumawag ng malakas, lakasan mo ang iyong loob at paakay sa iba patungo kay Hesus. Maniwala ka, makikita mo ang liwanag sa iyong buhay.
- Marissa Manigbas, iola (Institute of Our Lady of the Annunciation)
By Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province5
11 ratings