Sign up to save your podcasts
Or

Mabuting Balita | Mayo 28, 2022
Sabado sa Ika-anim na Linggo ng Pagkabuhay
Ebanghelyo: Juan 16: 23-28:
Sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad, “Sa araw na iyon, wala na kayong itatanong sa akin, sapagkat talagang sinasabi ko sa inyo na anumang hilingin n’yo sa Ama sa Ngalan ko, ay ipagkakaloob n’ya sa inyo. Wala pa kayong nahiling sa Ngalan ko. Humiling kayo ngayon at tatanggap kayo at malulubos ang kagalakan ninyo. Sa paghahambing ko lamang ipinahayag sa inyo ang mga ito. Ngunit palapit na ang oras na hindi ako gagamit ng paghahambing kundi tahasan ko nang ihahayag sa inyo ang tungkol sa Ama. Sa ngalan ko kayo hihiling sa araw na ’yon; hindi ko ibig sabihin na hihingi ako sa Ama alang-alang sa inyo, ngunit mismong ang Ama ang umiibig sa inyo dahil umiibig kayo sa akin at naniniwala na mula ako sa Diyos. Galing ako mula sa Ama at dumating sa mundo. Muli kong iniiwan ang mundo at papunta sa Ama.”
Pagninilay:
Magandang araw mga kapanalig. ako po si bro. Cesar Caalem ng Society of St. paul. Si Hesus ang dakilang tagapamagitan natin sa Ama. Kaya nga’t sa bawat panalangin ang sinasabi natin ay “sa pamamagitan ni Hesus” o ‘di kaya “Sa ngalan ni Hesus.” Totoo po na sa Ama pa rin tayo nananalangin ngunit dumudulog din tayo sa pangalan ni Hesus na siyang Anak ng Diyos. Si Hesus po ay mabisang tagapamagitan, una dahil kasama niya ang Ama, siya’y naroon sa langit sa luluklukang dakila kapiling ang mga anghel at mga banal. Ikalawa, sapagkat alam ni Hesus ang bawat emosyon at damdamin ng humihingi at dumudulog sa kanya. Noong panahon ng Kuwaresma at mga Mahal na Araw narinig natin ang halo halong emosyong kanyang nadama-hindi laging maganda-kahit sa pagtataksil, sakit, hirap, bigat ng damdamin-lahat ay kanyang dinala. Kaya nga’t alam ni Hesus ang bawat pinagdaraanan natin kahit gaano man ito kabigat. Ngayong araw patuloy nawa tayong dumulog sa kanyang matamis at makapangyarihang ngalan-si Hesus na panginoon nating hindi nagkukulang na punan ang bawat nating hiling at dasal. – Cl. Cesar Caalem, SSP | Society of St. Paul
By Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province5
11 ratings