PAULINES

MABUTING BALITA | MAYO 8, 2021 - Sabado


Listen Later

MABUTING BALITA | MAYO 8, 2021 - Sabado sa Ika-5 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay

Nararamdaman mo ba ang tensionsa pagiging maka-Diyos at maka-sanlibutan? Sa buhay mo ngayon, alin ka sa dalawa?

EBANGHELYO: JUAN 15:18-21

Sinabi ni Jesus sa kanyang mga alagad: “Kung napopoot sa inyo ang mundo, alamin n’yo na ako muna bago kayo ang kinapootan nito. Kung kayo’y mula sa mundo, inibig na sana ng mundo ang sariling kanya. Ngunit napopoot sa inyo ang mundo dahil hindi kayo mula sa mundo kundi ako ang humirang sa inyo mula sa mundo. “Tandaan n’yo ang sinabi ko sa inyo: ‘Walang utusang mas dakila sa kanyang panginoon.’ Hindi ba’t inusig nila ako? Uusigin din kayo. Tinupad ba nila ang aking salita? Gayon din nila tutuparin ang sa inyo. Dahil sa ngalan ko nila gagawin ang mga ito laban sa inyo, sapagkat hindi nila nakikilala ang nagpadala sa akin.”

PAGNINILAY:

Mula nang magsimula ang Kristiyanismo, ang mga tagasunod ni Hesus ay inuusig na. Si St. Stephen ay binato hanggang sa mamatay; at liban kay San Juan, ang mga Apostol ay naging mga martir. Ang mga unang Kristiyano ay inusig ng kapwa Hudyo at mga Romano… Noong Middle Ages at Protestant Reformation, ang mga hidwaan ay nauuwi sa karahasan. At mula 20th century hanggang sa kasalukuyan, umiiral pa rin ang pagpatay ng lahi ng mga Nazis at mga terorista, at mga state persecutions sa mga bansang tulad ng Myanmar, China, Iraq, Syria at maging sa Amerika. Masasabing sa buong kasaysayan, inuusig at pinapatay ang mga tagasunod ng ating Panginoong Hesus. Kapanalig, naranasan mo na bang kapootan dahil sa iyong pananampalataya kay Hesus? Tinutukso ka rin ba, na “Baka ka lumagpas ka na ng langit,” kung ikaw ay madasalin at palasimba? Nilalayuan o ina-unfriend ka ba, kung ikaw ay nagbabahagi ng inyong faith experiencesaraw-araw? Kung gayon, magalak ka! Dahil hinirang ka ni Hesus sa mundo, na makiisa sa kanyang pagdurusa. Ani Hesus, “Kung napopoot sa inyo ang sanlibutan, dapat ninyong malamang napoot na ito sa akin bago sa inyo.” Pinagpala tayo, dahil kasama natin si Hesus sa pagdurusa. May kasabihang: Rejection is part of mission. Kaya sa kabila ng pag-uusig at pagtatakwil ng mundo, ituloy natin ang ating misyon na ipalaganap ang pagmamahal at Salita ni Hesus. Huwag nating pansinin ang pangungutya ng mundo, kundi kumapit tayo sa krus ng ating Mahal na Panginoon. Ang katotohanang ito, ang paghuhugutan natin ng ginhawa sa oras ng pagsubok at pag-aalinlangan, kung tayo’y pinapahirapan ng mundo. We are God’s choice! Magpakatatag at manalig tayo. Amen. - Ebet Agustin (Association of Pauline Cooperators)

...more
View all episodesView all episodes
Download on the App Store

PAULINESBy Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province

  • 5
  • 5
  • 5
  • 5
  • 5

5

1 ratings