Sign up to save your podcasts
Or

MABUTING BALITA | NOBYEMBRE 1, 2021
Dakilang Kapistahan ng Lahat ng mga Banal
Nang makita ni Jesus ang makapal na tao, umahon siya sa bundok. Naupo siya roon at lumapit sa kanya ang mga alagad. At nagsimula siyang magturo sa kanila: “Mapapalad ang may mga diwa ng dukha sapagkat sa kanila ang Kaharian ng Langit. Mapapalad ang mga di marahas sapagkat mapapasakanila ang lupain. Mapapalad ang mga nagugutom at nauuhaw sa katarungan sapagkat bubusugin sila. Mapapalad ang mga maawain sapagkat kaaawan sila. Mapapalad ang may busilak na puso sapagkat makikita nila ang Diyos. Mapapalad ang mga nagpupunyagi para sa kapayapaan sapagkat tatawagin silang mga anak ng Diyos. Mapapalad ang mga pinag-uusig dahil sa katarungan sapagkat kanila ang kaharian ng langit. Mapapalad kayo kung iniinsulto kayo at pinag-uusig at sinisiraang-puri dahil sa akin. Magsaya kayo at magalak sapagkat malaki ang gantimpalang nasa Diyos para sa inyo.
PAGNINILAY:
Ang Mabuting Balitang narinig natin ay nagpapahayag ng mga kabalintunaan ng buhay na mauunawaan lamang natin sa mata ng pananampalataya. Sinasalamin nito ang nangyari sa Panginoong Hesus na dumanas ng katakot-takot na paghihirap at pagpapakasakit, at sa huli’y humantong pa sa kanyang kamatayan, pero nabuhay na mag-uli, umakyat sa langit at ngayo’y kapiling na ng Diyos Ama sa buhay na walang hanggan. Ito din ang naging karanasan ng kalipunan ng mga banal – ng mga santo at santa, na pinararangalan natin ngayon. Marami sa kanila ay nagbuwis ng buhay alang-alang sa matatag nilang paninindigan sa pananampalataya; marami sa kanila ay matapat na namuhay sa diwa ng kabalintunaang pinapahayag ng Mapapalad sa Mabuting Balita; marami sa kanila ay kakilala natin – ang ating mga lolo at lola, mga magulang, kapatid at kamag-anak na hindi man deneklarang santo o santa, pero namuhay nang matuwid, nagmahal sa Diyos at sa kapwa sa abot ng kanilang makakaya at naging buhay na saksi ng paghahari ng Diyos sa kasalukuyang mundo. Kaya ngayo’y tinatamasa na nila ang buhay na walang hanggan kasama ng Diyos at mga anghel sa langit. Mga kapanalig, nilikha tayo ng Diyos na likas na mabuti. Nilikha tayo ng Diyos na Kanyang kawangis. Kaya may misyon tayong magpakabuti at mamuhay sa kabanalan habang tayo’y nabubuhay. Kaya sa gitna ng mga kasamaang nangyayari sa ating paligid, sa gitna ng pag-aaway-away, pagpapalitan ng mga hate messages sa social media na may kinalaman sa nalalapit na eleksyon; inaanyayahan tayong papanaigin ang likas na kabutihang nakatanim sa ating puso. Napakaikli ng buhay para mamuhay tayo sa galit at pakikipag-away dahil lamang magka-kontra partido tayo. It’s not even worth it, na masira ang pagkakaibigan at samahan sa pamilya dahil hindi kayo magkakulay ng partidong sinusuportahan. Ang isipin natin sa panahong ito ng sobrang paghihirap dulot ng pandemya, ay ang sama-sama nating pagbangon sa kadilimang ating kinasadlakan.... isipin natin ang susunod na henerasyon, na siyang labis na maaapektuhan ng mga maling desisyong ginagawa natin ngayon. Mamamatay tayong lahat at lilipas sa mundong ito sa panahong itinakda ng Diyos... pero ano bang klaseng bansa ang iiwanan natin sa susunod na salinlahi? Maipagmamalaki kaya nila tayo dahil pinanindigan natin kung ano ang tama, mabuti at kalugod-lugod sa Diyos, at ipinaglaban natin ang kanilang kinabukasan hanggang sa huling sandali ng ating buhay? O sisisihin nila tayo dahil sa mga problemang ipapamana natin sa kanila kapag tayo’y pumanaw na sa mundong ito? Pag-isipan natin ito mga kapanalig…
- Sr. Lines Salazar, fsp | Daughters of St. Paul
By Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province5
11 ratings