Sign up to save your podcasts
Or

MABUTING BALITA | NOBYEMBRE 10, 2021
Miyerkules sa Ika-32 Linggo ng Taon
EBANGHELYO: LUCAS 17:11-19
Habang papunta si Hesus sa Jerusalem, dumaan siya sa hangganan ng Samaria at Galilea. At pagpasok niya sa isang nayon, may sampung lalaking may ketong ang lumabas para salubungin siya. Tumayo ang mga ito sa malayo at tumawag nang malakas: “Hesus, Guro, maawa ka sa amin.” At sinabi naman sa kanila ni Hesus. “Umalis kayo at humarap sa mga pari.” At nangyari na gumaling sila habang naglalakad. Isa sa kanila ang agad na nagbalik nang makita niyang gumaling siya, at pasigaw niyang pinuri ang Diyos. Nagpatirapa siya sa paanan ni Hesus, sa pagpapasalamat sa kanya. Isa siyang samaritano. Kaya sinabi ni Hesus: “Tumayo ka, iniligtas ka ng iyong pananampalataya.”
PAGNINILAY:
Ano ba ang mas malala: leprosy o isolation? ‘Yung sakit na ketong o ‘yung inihihiwalay ka, ibinubukod ka, inilalayo ka sa iba? Ang ketong unti-unting sinisira ang iyong balat at kinakain ang iyong kalamnan, pero yung isolation (pag-iisa) unti-unting dinudurog ang iyong kalooban at dahan-dahan ka ring pinapatay. Masakit pandirihan, masakit ilayo sa kapwa lalo na sa mga mahal sa buhay. Kung masaklap magka-ketong, mas malaking trahedya ang putulin ang anumang ugnayan sa kapwa-tao. Noong sinaunang panahon sa Israel, pinandidirihan at hinuhusgahan ang mga ketongin—ang tingin sa kanila ay marurumi at makasalanan. Hindi lang sakit ang meron sila, kundi sumpa at parusa ng langit. Kung kaya’t sila ay inilalayo: bawal lumapit at bawal lapitan. Kaya sa ating Mabuting Balita ayon kay San Lucas, hindi makalapit ang sampung ketongin kay Hesus. Dumistansya sila, at saka sumigaw: “Guro! Maawa ka sa amin!” Inutusan sila ni Hesus na ipakita ang sarili nila sa mga pari, at di nila namalayan ang himalang naganap: Pinagaling sila ni Hesus! Wala na silang ketong. Malinis na sila sa wakas. Sampu ang pinagaling pero hindi lahat nagpasalamat kay Hesus. Yung Samaritano lang ang mag-isang bumalik. Kung sino pa ang dayuhan. May kasabihan na makikilala mo raw ang isang tao kung marunong siyang tumanaw ng kabutihang loob at magpasalamat. Kalimutan n’yo na ang lahat, huwag lang ang magpasalamat. Sa bawat biyayang natanggap, gaano man kalaki o kaliit, mahalagang magpasalamat. Lalo na sa Diyos.
- Fr. Khris Emmanuel Llacer, SSP | Society of St. Paul
By Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province5
11 ratings