Sign up to save your podcasts
Or

MABUTING BALITA | NOBYEMBRE 21, 2021
Dakilang Kapistahan ng Paghahari ni Kristo sa Sanlibutan
EBANGHELYO: JUAN 18:33-37
Muling pumasok si Pilato sa palasyo, tinawag si Hesus at sinabi sa kanya: “Ikaw ba ang hari ng mga Judio?” “Mula ba sa iyo ang salitang ito o may nagsabi sa iyo tungkol sa akin?” “Ako ba’y Judio? Ipinaubaya ka sa akin ng mga kalahi mo at ng mga punong-pari. Ano ba ang ginawa mo?” “Hindi sa mundong ito galing ang pagkahari ko. Kung sa mundong ito galing ang pagkahari ko, makikibaka sana ang mga tauhan ko upang hindi ako maipaubaya sa mga Judio. Hindi nga galing dito ang pagkahari ko.” “Kaya hari ka nga, hindi ba?” “Ikaw ang nagsasabing hari ako. Isinilang ako upang magpatunay sa katotohanan dahil dito kaya ako dumating sa mundo. At nakikinig sa aking tinig ang sinumang makatotohanan.”
PAGNINILAY:
Ipinagdiriwang natin ngayon ang Kapistahan ni Hesukristo bilang Hari ng sanlibutan. Bagamat mahigit 2,000 taon na ang Simbahang Katolika, wala pang 100 taong ipinagdiriwang ang Kapistahan ng Kristong Hari. Itinatag ni Papa Pio XI noong taong 1925, katatapos pa lamang noon ng Unang Digmaang Pandaigdig: magulo sa maraming dako, mahina ang ekonomiya, laganap ang kahirapan, at naluluklok sa kapangyarihan ang mga taong hindi naniniwala sa Diyos. Dahil sa mga kaganapan, nakakalimutan na ng tao kung sino ang tunay na hari at kung sino ang dapat na maghari sa buhay natin. Sa pagtatalaga ng Kapistahan ng Kristong Hari, nais ipaalala ng Santo Papa kung sino ang totoong hari ng sanlibutan at ng buhay natin—walang iba kundi si Hesukristong ating Panginoon. Pero sa Mabuting Balita sa araw na ito, nakapagtatakang larawan ng hari ang ipinapakita sa atin. Isang Hesus na nakagapos, inuusisa, tinatanong na parang kriminal sa harap ni Poncio Pilato. Nasaan ang kanyang kapangyarihan? Bakit mistulang kahinaan ang kanyang ipinapakita? Kahit si Pilato ay nagtaka kaya’t nagtanong kay Hesus: “Ikaw ba ang Hari ng mga Hudyo?” Hindi siya makapaniwala. Mga kapanalig, ang kapangyarihan ni Hesus ay wala sa yaman, lakas, o katanyagan. Ang kapangyarihan ni Kristo bilang hari ay nasa katotohanan: ito ang dahilan ng kanyang pagsilang at pagparito sa sanlibutan, upang magsalita tungkol sa katotohanan. Kapanalig, sino ang naghahari sa iyo? Sana si Kristo. Siya ang tanging katotohanan na magpapalaya at magliligtas sa iyo. - Fr. Khris Emmanuel Llacer, SSP | Society of St. Paul
By Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province5
11 ratings