Sign up to save your podcasts
Or

MABUTING BALITA - Nobyembre 29, 2020 - Unang Linggo ng Adbiyento
EBANGHELYO: MARCOS 13:33-37
Sinabi ni Jesus sa Kanyang mga alagad: “Mag-ingat kayo at magpuyat hindi nga ninyo alam kung kailan ang oras. Ipagpalagay natin na nangingibangbayan ang isang tao. Iniiwan niya ang kanyang bahay at ipinagkakatiwala ang lahat sa kanyang mga utusan. May kanya-kanya silang tungkulin at inutusan niyang magbantay ang bantay pinto. Kaya magbantay kayo sapagkat hindi ninyo alam ang oras ng pagdating ng may-ari, kung hapon o hatinggabi o madaling araw. At baka bigla siyang dumating, at madatnan kayong natutulog. Kaya’t sinasabi ko rin sa lahat ang sinasabi kong ito sa inyo: Magbantay.”
PAGNINILAY:
Ikaw ba ang taong mahilig maghanda? Ngayon ang Unang Linggo ng Adbiento. Ang panahon ng Adbiento ay panahon ng paghihintay. Habang naghihintay, inihahanda natin ang ating mga sarili para sa isang natatanging pagtatagpo. Sa panahong ito, dalawang bagay ang ating pinaghahandaan: ang pagdating ni Jesus sa panahon ng Kapaskuhan at ang Kanyang muling pagbabalik o tinatawag na Parousia. Mga panahon kung saan mas personal nating makakatagpo ang ating Panginoon. Kung inihahanda natin ang ating mga sarili at ang ating mga tahanan sa pagdating ng isang natatanging na panauhin, hindi ba mas espesyal na paghahanda ang dapat nating gawin kung ang mahal natin sa buhay, na matagal na nagtrabaho abroad, ang mismong darating? Gayundin naman sa panahon ng Adbiento. Inihahanda natin ang ating mga sarili dahil sa mahal natin si Jesus. At kung iniibig natin si Jesus, hindi tayo mapapagod o magsasawang paghandaan ang kanyang muling pagdating sa ating buhay. Ano namang paghahanda ang dapat gawin? Sabi sa Mabuting Balita, magbantay at maging laging handa tayo katulad ng isang tapat na aliping naghihintay sa pagdating ng kanyang Panginoon. Samakatuwid, mapagmatyag at aktibong paghihintay. Tandaan natin na si Jesus ang kahapon, ang ngayon at ang bukas. Ibig sabihin, ang presensya ng Panginoon ay tiyak at palagi. Kaya bilang mga tapat na alagad, nawa’y hindi tayo mapapagod gumawa ng kabutihan. Ipagpatuloy natin ang mga kasalukuyang ginagawa nating nakabubuti sa kapwa at sa bayan. Gawin natin ang mga ito ng may katapatan at may kababaang-loob. Sapagkat nag-aantay ang tapat na alagad, hindi dahil sa takot, kundi’y dahil sa kanyang tapat na pagmamahal sa kanyang darating na Panginoon. – Fr. JK Malificiar, SSP
Manalangin tayo: O Diyos, sa pagbabalik ng Iyong anak, nawa’y matagpuan Niya kaming handa at abala sa paggawa ng kabutihan nang sa gayon ay maging kabahagi Niya kami sa kaluwalhatiang walang hanggan. Amen.
By Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province5
11 ratings