Sign up to save your podcasts
Or

MABUTING BALITA | OKTUBRE 1, 2021
Biyernes sa Ika – 26 Linggo sa Karaniwang Panahon
Santa Teresita ni Jesus, dalaga at pantas ng Simbahan
EBANGHELYO: LUCAS 10: 13-16
Sinabi ni Hesus sawing palad ka Corazin, sawing palad ka Betzaida. Kung sa Tiro at Sidon ang nangyari ang mga himalang ginawa sa inyo matagal na sana siyang nagdamit sako, at naupo sa abo at nakapagbalik loob. Kaya magaan pa ang sasapitin ng Tiro at Sidon kay sa inyo sa araw ng paghatol. At ikaw naman Capernaum dadakilain ka kaya hanggang langit? Hindi ibubulit ka sa imperno. Ako ang dinidinig sa nakikinig sa inyo at ako ang di tinatanggap na di tumatanggap sa inyo. At ang di tumatanggap sa akin, ay di tumatanggap sa akin.
PAGNINILAY:
Mga kapanalig, ang Corazin, Betsaida at Capernaum ay mga sikat at kilalang bayan sa Israel noong kapanahunan ni Hesus. Inaakala ng mga Hudyong naninirahan sa mga bayang ito na may malaki silang karapatan sa mga pagpapalang ibinibigay ng Diyos. Tinutupad kasi nila ang mga kautusan ni Moises na para sa kanila’y siyang tunay na isinugo ng Diyos. Dahil sa labis na pagpapahalaga sa mga Batas, naging bulag sila upang makita at matanggap ang kagandahan ng ipinanawagan ni Hesus tungkol sa pagbabalik-loob sa Diyos. Dahil sa kanilang bulag na pananaw sa kabanalan bunga ng katigasan ng puso, hindi nila nararamdaman ang pangangailangan nilang magbagumbuhay. Magaling at mabuti ang tingin nila sa sarili, dahil wala silang nilalabag na kautusan. Sa kabila ng mga pangangaral at maraming himalang nasaksihan nila mula kay Hesus, nanatili silang mapagmataas. Dahil dito nawalan ng puwang sa kanilang puso ang mga Salita ni Hesus. Sa pagmamatigas ng kanilang puso, binalaan sila ni Hesus tungkol sa mabigat na kaparusahang naghihintay sa kanila. Mga kapanalig, paano ka tumutugon sa panawagan ng Diyos na magbalik-loob? Maituturing mo ba ang pandemyang ating nararanasan na isang panawagan ng Diyos upang magbalik-loob? Kung tutuusin marami tayong panahon ngayon upang suriin ang sarili; saan ba tayo nagkulang; anong mga kasalanan ang nagawa natin sa Diyos, sa kapwa, sa bayan at sa Inang kalikasan… bakit kailangan nating danasin ang kadilimang ito? Ang pandemyang ating nararanasan ay nag-aanyayang suriin ang ating sarili, ang ating mga priyoridad, mga pinahahalagahan, ang ating ugnayan sa pamilya, sa ating kapwa, at higit sa lahat, ang ugnayan natin sa Diyos. Kung meron man tayong mga pagkukulang o nilabag na utos ng Diyos o nasirang ugnayan na kailangang ayusin, ito na ang tamang pagkakataon para gawin yun bago maging huli ang lahat. At matapos ang masusing pagsusuri sa sarili, inaanyayahan tayong pagsisihan ang kasalanan at magbalik-loob sa Diyos. Humingi tayo ng tawad hindi lang sa ating personal na kasalanan, kundi sa lahat ng kasalanang nagawa ng tao sa Diyos at sa Kanyang nilikha. Kung ang pandemyang nararanasan natin ay parusa sa pangkalahatang kasalanang nagawa ng tao sa Diyos – sama-sama tayong manikluhod at magsumamo na kahabagan tayo at ang buong mundo patawarin na ang kasalanan ng sanlibutan at hilumin na ang buong mundo sa sakit na covid. Kung ang pandemyang ito ay gawain ng diyablo para labanan ang Diyos at sirain ang Kanyang sangnilikha… Let us conquer evil with good through the power of the Holy Spirit dwelling within us. Let us spread positivity and hope during these difficult times, and encourage one another. Patuloy po tayong gumawa ng mabuti! At labanan ng kabutihan ang kasamaang nakapaligid sa atin at sa tulong panalangin ni Santa Teresita ng sanggol na si Hesus, patuloy nawa tayong gumawa ng maliliit na kabutihan nang may pagmamahal lalo na ngayong panahon ng pandemya. O Santa Teresita ng Sanggol na si Hesus, ipanalangin mo kami. Amen.
- Sr.Lines Salazar, fsp | Daughters of St. Paul
By Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province5
11 ratings