Sign up to save your podcasts
Or

Mabuting Balita | Pebrero 1, 2022
Martes sa Ika-4 na Linggo sa Karaniwang Panahon
EBANGHELYO: MARCOS 5:21-43
Pagkatawid ni Hesus sa lawa na sakay sa bangka, pinagkalipumpunan siya ng maraming tao sa tabing-dagat. At may dumating na isang pinuno ng sinagoga na nagngangalang Jairo. Nagpatirapa ito sa kanyang paanan at pilit na ipinakiusap sa kanya: “Naghihingalo ang aking dalagita kaya halika para maligtas siya at mabuhay sa pagpapatong ng iyong mga kamay. Kaya umalis si Hesus kasama niya at sumunod din sa kanya ang mga tao na gumigitgit sa kanya.” Nagsasalita pa si Hesus nang may dumating galing sa bahay ng pinuno ng sinagoga, at sinabi nila: “Patay na ang iyong anak na babae. Bakit mo pa iniisturbo ngayon ang Guro?” “Huwag kang matakot, manampalataya ka lamang.
PAGNINILAY:
Pananalig ang nakapagpapagaling sa sinumang makatagpo si Hesus. Si Bela ay nagtitinda ng sampagita sa labas ng isang Shrine ng Divine Mercy. Dati siyang dinudugo kayat nagdasal siya sa Divine Mercy at nagdebosyon sa Mahal na Ina para gumaling. Himala man o dahil sa kanyang buo na pananalig, nakamtan niya ang kagalingan. Patuloy pa rin siyang nagtitinda ng sampagita hanggang ngayon. Paraan niya ito para marami pa ang makapag-alay ng pasasalamat at panalangin sa Dios at sa Mahal na Ina. Pananalangin ang paraan upang lumakas ang ating pagkapit sa Panginon. Panalangin ang sikreto upang tayoy makapasok sa mundo ng pagpapagaling at himala ni Hesus. Kahit hindi natin lubos na nauunawaan at naiintindihan ang mga nangyayari sa ating buhay. Alam natin sa kaibuturan ng ating mga puso na merong ginagawa ang Dios. Na binibigyan Niya nang lunas ang ating mga problema at mga karamdaman. Patuloy tayong manalig sa higpit ng pagkakapit ni Hesus sa atin. Siya ay higit na malapit sa atin sa pagtawag natin sa kanyang Banal na Ngalan ng may buong pananalig. Inaanyayahan tayo ni Jesus na huwag bumitiw sa Kanya. Magtiwala tayo sa mapagkalingang awa ng Diyos! Si Hesus lamang ang ating babalingan, kay Hesus hindi tayo mabibigo.
- Sr. Amelyne Paglinawan, FSP | Daughters of St. Paul
PANALANGIN:
O Panginoon naming mapagmahal, Ikaw ang may akda ng buhay. Naway aming makamtan ang bagong sigla at lakas sa aming pananatili sa Iyong pagmamahal at awa. Amen.
By Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province5
11 ratings