Sign up to save your podcasts
Or

Mabuting Balita | Pebrero 2, 2022
Miyerkules sa Ikaapat na Linggo sa Karaniwang Panahon
EBANGHELYO: LUCAS 2:22-32
Nang dumating na ang araw ng paglilinis nila ayon sa Batas ni Moises, dinala nina Jose at Maria ang sanggol na si Hesus sa Jerusalem para iharap sa Panginoon tulad ng nasusulat sa Batas ng Panginoon: Lahat ng panganay na lalaki ay ituturing na banal para sa Panginoon. Dapat din silang mag-alay ng sakripisyo tulad ng binabanggit sa Batas ng Panginoon: isang pares na batubato o dalawang inakay na kalapati. Ngayon, sa Jerusalem ay may isang taong nagngangalang Simeon; totoong matuwid at makadiyos ang taong iyon hinihintay niya ang pagpapaginhawa ng Panginoon sa Israel at sumasakanya ang Espiritu Santo na hindi siya mamamatay hanggat hindi niya nakikita ang Mesiyas ng Panginoon. Kaya pumunta siya ngayon sa Templo sa pagtutulak ng Espiritu, nang dalhin ng mga magulang ang batang si Hesus para tuparin ang kaugaliang naaayon sa Batas tungkol sa kanya, kinalong siya ni Simeon sa kanyang mga braso at pinuri ang Diyos at sinabi “Mapapayaon muna ang iyong utusan Panginoon nan g may kapayapaan, ayon na rin sa yong wika pag kat nakita na ng aking mata ang iyong pag liligtas na inihanda mo sa paningin ng lahat ng bansa. Ang liwanag na ibubunyag mo sa mga bansang pagano at ang luwalhati ng iyong bayang Israel.
PAGNINILAY:
Dinala nina Jose at Maria ang sanggol na si Hesus sa Jerusalem para ialay sa Panginoon. Buong pusong inialay si Hesus sa Diyos ng kanyang mga magulang. Sa pamamagitan ni Simeon ibinunyag ng Diyos na ang batang si Jesus ang liwanag para sa mga hindi naniniwala sa Kanya at ang luwalhati naman ng minamahal ng Diyos na Bayang Israel. Ang paghahandog nina Jose at Maria kay Hesus sa Templo ay pagsasang-ayon nila sa planong pagliligtas ng Diyos. Nagpapahayag din ito ng kahandaan ng mag-asawang Jose at Maria sa kanilang tungkulin na gampanan ang kanilang papel na maka-Diyos sa pagpapalaki kay Hesus. Mapapansin natin ang kanilang matibay na paniniwala sa tungkuling ini-atas sa kanila ng Panginoon. Inaanyayahan din tayong mga Kristiano sa ating tungkulin na hubugin ang ating mga kabataan upang silay maging ganap na tagasunod ni Hesus. Paala-ala sa mga magulang na magiging daan o instrumento sila na maging masigasig na tagapag-alaga, tagapagtanggol, tagapagturo at tagahubog upang lumaki ang kanilang mga anak na may kakayahang gampanan ang pagiging isang tunay na mamamayan at ganap na Kristianong handang harapin ang misyon sa buhay.
PANALANGIN:
O Panginoong Diyos, kami ay nilikha mo sa Iyong pagmamahal. Bigyan mo po kami ng biyayang magampanan ang aming tungkuling mangasiwa sa buong sangnilikha. Isabuhay nawa naming ang katutuhanang kami ay galing sa Diyos at para sa Diyos. Amen.
- Sr. Amelyne Paglinawan, FSP | Daughters of St. Paul
By Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province5
11 ratings