Sign up to save your podcasts
Or

MABUTING BALITA | Pebrero 5, 2021 – Biyernes sa Ikaapat na Linggo ng Taon
EBANGHELYO: MARCOS 6:14-29
Nabalitaan ni Haring Herodes ang tungkol kay Jesus sapagkat tumanyag na ang kanyang pangalan. May nagsasabing nabuhay si Juan Bautista mula sa mga patay kaya nagkakabisa sa kanya ang makalangit na kapangyarihan. Sinabi naman ng iba: “si Elias nga ito.” “Ito ay isang propeta gaya ng mga ibang propeta noon.” Nang mabalitaan ito ni Herodes ay sinabi niya: “Nabuhay nga sa mga patay si Juan na pinapugutan ko ng ulo.” Si Herodes ang nagpahuli kay Juan, at ipinakadena ito sa kulungan dahil kay Herodias na asawa ng kanyang kapatid na si Felipe.Pinakasalan ni Herodes si Herodias at sinabi ni Juan kay Herodes: “Hindi ka puwedeng pumisan sa asawa ng iyong kapatid.” Talaga ngang matindi ang galit ni Herodias kay Juan at gusto niya itong patayin pero hindi niya magawa. Iginagalang nga ni Herodes si Juan dahil itinuturing niya itong mabuti at banal na tao, kaya pinanatili niya itong buhay. Nalilito siya matapos makinig kay Juan, gayunma'y gusto pa rin niya itong marinig. At nagkaroon ng pagkakataon sa kaarawan ni Herodes nang maghanda siya para sa kanyang mga opisyal, mga pinuno ng hukbo at mahahalagang tao ng Galilea. Pagpasok ng anak ni Herodias, nagsayaw ito at nasiyahan naman sa kanya si Herodes at lahat ng nasa handaan. Sinabi ng hari sa dalagita: “Ibibigay ko sa iyo ang anumang hingin mo.” At sinumpaan pa niya ang pangakong ito, “ibibigay ko sa iyo ang anumang hingiin mo, at kahit na ang kalahati ng aking kaharian.” Lumabas ang anak at tinanong ang kanyang ina: “Ano ang hihingin ko?” “Ang ulo ni Juan Bautista.” Agad niyang pinuntahan ang hari at sinabi: “Gusto kong ibigay mo kaagad sa akin ang ulo ni Juan Bautista sa isang bandeha.” Nasaktan ang hari dahil sa sinumpaan niyang pangako sa harap ng mga bisita ngunit ayaw niyang tumanggi. Kaya iniutos ng hari sa isa niyang guwardiya na dalhin ang ulo ni Juan. Pinugutan nito si Juan sa kulungan, inilagay sa isang bandeha ang kanyang ulo, ibinigay naman ito ng dalagita sa kanyang ina. Nung mabalitaan ito ng mga alagad ni Juan, dumating sila para kunin ang kanyang katawan at inilibing.
PAGNINILAY:
Kapansin-pansin ang pagkabagabag ni Herodes nang marinig niya ang tungkol kay Jesus. Marami ang nagsasabi na ito ay si Juan Bautista na muling nabuhay. Naguluhan at napukaw ang kanyang konsensiya, dahil ipinapatay niya ito, sa pagsabi na “Labag sa batas na kasamahin mo ang asawa ng iyong kapatid” (Mk 6:18). Mga kapanalig, minsan tayo din ay parang si Herodias at Herodes, ikunukubli ang mali sa pamamaraan na gusto nating paniwalaang tama. Hindi natin pwedeng takbuhan ang katotohanan! Ano nga ba ang pwede nating itago sa Diyos? Ano ang humahadlang sa iyo para magbalik-loob sa Diyos? Panibagong pag-asa ang naghihintay sa tao, may mababang kaloobang magbago, at taos-pusong humihingi ng tawad sa Diyos.
- Siony Japzon Ramos, IHF (Institute of the Holy Family)
PANALANGIN:
Panginoon naming Diyos na makapangyarihan, kami po ay dumudulog Sa’yo nang buong kababaang loob. Bigyan N’yo po kami ng grasya na mamuhay ng walang galit at hinanakit sa puso, pusong marunong humingi ng tawad at magpatawad. Tulungan N’yo po kami na huwag mabulid sa tukso ng kapangyarihan at kasinungalingan. Amen.
By Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province5
11 ratings