Sign up to save your podcasts
Or

Mabuting Balita | Pebrero 5, 2022 – Sabado
Sabado sa Ikaapat na Linggo sa Karaniwang Panahon
EBANGHELYO: MARCOS 6:30-34
Pagbalik ng mga apostol kay Hesus, isinalaysay nila sa kanya ang lahat ng nilang ginawa at itinuro. Sinabi naman ni niya sa kanila: ”Tayo na sa isang ilang na lugar para mapag-isa tayo at makapagpahinga kayo nang kaunti.” Sapagkat doo'y marami ang paroo't parito at hindi man lamang sila makakain. Kaya lumayo sila at namangka na sila-sila lang patungo sa ilang na lugar. Ngunit nakita silang umalis ng ilan at nabalitaan ito ng marami. Kaya nagtakbuhan sila mula sa kani-kanilang bayan at nauna pang dumating na lakad kaysa sa kanila. Pagdating ni Hesus sa pampang, nakita niya ang maraming taong nagkakatipon doon at naawa siya sa kanila sapagkat para silang mga tupang walang pastol. At nagsimula siyang magturo sa kanila nang matagal.
PAGNINILAY:
Sa tagpo ng Mabuting Balitang narinig natin, ipinadama ng Panginoong Hesus ang Kanyang pagiging Pastol sa mga tao. Tinipon Niya sila sa mainam na pastulan at doon pinakain nang sagana ang nagugutom sa Salita ng Panginoon. Pinuno Niya ng Makalangit na karunungan ang mga mangmang, at pinalakas ang loob ng mga nanghihina at nawawalan ng pag-asa. Tunay na nakapagbibigay buhay ang Salita ng Panginoon, sa katauhan ni Hesus at ang sino mang makarinig ng Kanyang Salita, ibig itong ulit-ulitin pa. Ito ang dahilan kung bakit marami ang hindi mapigilang sumunod sa Kanya. Sa katunayan, nang mabalitaan ng mga tao na pupunta si Hesus at ang Kanyang mga alagad sa ilang, nagpati-una pa sila kay Hesus para siguradong may lugar pa sila sa kanyang harapan. Kapanalig, gaano mo pinahahalagahan ang Salita ng Diyos? Naglalaan ka ba ng panahon araw-araw upang ito’y basahin, pagnilayan at gamitin sayong pagdarasal? Nangungusap sa atin ang Panginoon sa pamamagitan ng Kanyang buhay na salita. Nagdudulot ito ng kaliwanagan sa ating kalituhan; inaaliw tayo nito sa panahon ng pagsubok at dalamhati; ginagabayan tayo nito sa tamang daan. Kaya sa mga pagkakataong pinanghihinaan tayo ng loob, nawawalan ng pag-asa, at gusto nang sumuko sa buhay, humugot tayo ng lakas at kaliwanagan ng puso at isip sa Salita ng Panginoon. Magdasal ng taimtim at ipagkatiwala sa Diyos lahat ng mga alalahaning hindi mo na kayang harapin at pasanin. Ito ang pagsuko na hinihingi sayo ng Panginoon – ang lubos-lubos at taos-pusong pagtitiwala na Siyang May Likha sa atin ang may ganap na kontrol sa ating buhay at pag-iral sa mundo. Manalig tayo sa Kanya!
- Sr. Lines Salazar, fsp | Daughters of St. Paul
PANALANGIN: Panginoon, dagdagan Mo po ang aking pananampalataya lalo na sa mga pagkakataong lugmok na ako sa kawalan ng pag-asa at gusto nang sumuko sa buhay. Nababatid ko po na hindi Mo ako susubukin nang higit sa aking makakaya; bagkus sa bawat pagsubok na pinapahintulutan Mong maranasan ko, may kaakibat na grasya upang malagpasan ko ito. Salamat po Sa’yong habag at awa. Amen
By Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province5
11 ratings